Chapter 60 (Second Half)

141 0 0
                                    

Chapter Sixty Second Half (This is Goodbye)

Third Person’s POV

~Prom night

Sa isang kilalang hotel ginanap ang prom night ng Scarlett University. Madaming makukulay na ilaw at magagandang tugtugin. Ang design ng lugar ang Royal themed. May mga telang gold and white na nakasabit sa ceiling. May naggagandahang chandelier din at mga nakalawit na diamonds mula sa ceiling. Maraming camera man sa may red carpet kung saan dadaan ang lahat papasok ng events room. At may mga bouncer type guard na nagbabantay to make sure everything is safe.

“OMG! Ang ganda ng prom night natin! Me is so great talaga at planning an event!” Tuwang tuwa na sabi ni Audrey sa sarili nya.

“That’s my girl.” Kiniss naman agad ni Nate si Audrey sa cheeks na nagpapula sa mukha ng dalaga.

“Lalanderts!” –Via

“Bitter!” –Jace/Caleb

“LUL!” Inis na sabi ni Via sa dalawang ugok. Hanggang ngayon kasi di pa nagkakaayos sila Via at Austin simula ng magalit si Austin dahil sa ginawa ni Riley. Pinilit naman makipagayos ni Via pero dahil pareho din silang mapride eh nagkaaway ulit sila at ayun…LQ. -____-

“OMG! Is that for real??”

“Sila na ba ulit?”

“No way!”

“Gosh! Ang landi talaga. Nawala lang sandali si Chase lumandi na ulit si girl.”

Nagkatinginan ang mga magkakabarkada at napalingon sa entrance kung saan nakatingin ang lahat. Nanlaki ang mga mata nila ng pumasok na magkahawak kamay sila Riley at Zack.

“Whoa!” -Caleb

“Anong…What…?” –Via

“C-Couz…” Tumingin si Riley sa mga kabarkada at binigyan sila ng malambing na ngiti. Reassuring them na everything will be fine. Hindi maintindihan ng mga magkakaibigan ang nangyayari pero hinayaan nalang nila.

Let them have their time.

Kumain at nagsayawan ang mga student ng SU sa ilalim ng magagandang kanta na pinaplay ng DJ sa gabing yun. Almost 12midnight ng magplay ang isang kanta na tumatak ng husto sa puso ni Riley kaya inaya nya si Zack na sumayaw ulit. Pumayag naman si Zack at pumunta sila sa gitna ng dance floor.

Yumakap agad sila sa isa’t isa ng marinig na ang kanta ng What are words by Alex Thao. And they started swaying to the music.

“Remember this song?” Pabulong na sabi ng dalaga sa binata.

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon