Chapter 48

97 0 0
                                    

Chapter Fourty Eight (Torn into pieces)

Zack’s POV

Pumasok ako ng maaga nung Monday para salubungin si Riley then I saw her with his brother Drake. They were talking and it looked serious. After that tahimik lang si Riley at malalim ang iniisip. Anong problema? May nangyari ba?

Tuesday na and she’s not her usual self. Nakakamiss na yung Riley ko. :(

“Riley, lets go on a date.” Napatingin sya sakin at ngumiti kaya napangiti din ako.

“Sure! Pero kailangan kong umuwi ng maaga ah. Alam mo na may nagbabantay na sakin.” Nagulat naman ako ng parang biglang bumalik yung sigla nya. Okay date lang pala katapat nitong maganda kong girlfriend. Hehe

Nasabi din sakin ni Riley na dito na daw magaaral si Drake. Buti naman para may kasama na sya sa bahay. I don’t know why they left her here alone. Sino ba naman matinong magulang ang iiwan ang nagiisa na lang nilang anak na babae sa pilipinas na walang kasama diba? At sinama nila yung mga anak na lalaki pa.

~Restaurant

Kumakain kami and I must say back to normal na si Riley. Masigla na ulit sya at nagtataray na ulit sya sakin paminsan. At ang takaw takaw na nya. Tsktsk. Kaya lalo akong naiinlove sa babaeng to eh.

Nagkwentuhan lang kami at naghaharutan. Grabe tong babaeng to napapalabas nya ang corny na ako. Tsktsk.

Nung 7pm na nag-aya na syang umuwi. Nasa kotse kami at tahimik lang sya. I held her hand at nagulat ako kasi sobrang lamig ng kamay nya.

“Hey, are you cold? Gusto mo hinaan ko yung aircon?” Umiling lang sya sakin at ngumiti. Hawak hawak ko lang yung kamay nya habang nagda-drive ako. Tahimik na naman sya at parang malalim ang iniisip.

“May problema ka ba?” tanong ko sa kanya. Kahit nakatingin ako sa daan nakita ko yung seryoso nyang mukha at pinilit nyang ngumiti. Bakit ganun? Masama pakiramdam ko dito.

“Wala. Pagod siguro ako. Ang daming ginagawa eh. Grabe no? Yung mga prof parang nagsabwatan at pinagusapan nilang gawin sa iisang week lahat ng paper works at quizzes na malulupit. Hayyy.” She said. Tinignan ko lang sya at ng makita nya akong nakatingin sa kanya ngumiti sya.

“Sure kang okay ka lang?”

“Opo. Wag masyadong mabaliw kakaisip sakin. Sorry di ko mapigilan ang kagandahan ko. *wink* “ Napailing lang ako. Mahal ko talaga tong babaeng to. Tsktsk.

“Pasalamat ka—“

“CHE! Yan ka na naman eh.” Sabay hampas nya sa braso ko. Pininch ko yung cheeks nya kasi ang cute cute nya. Tumigil ako sa tapat ng bahay nila. Nakita kong ang daming kotse. Anong meron?

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon