Chapter Four (Ursula ng Library... Barbie ng Scarlett University)
Riley's POV
Yes! May time na rin ako na walang Zack na mangungulit sakin! Why? Well, nag-try lang naman sya sa basketball team at pasok na agad sya. Magaling ang mokong in fairness. Kasama ko ngayon ang dalawa kong bestfriend at nasa library kami.
"Oh. Tapos na hw mo!" Sabi sakin ni Nate at inabot sakin yung notebook ko sa math. Kaya ko love tong dalawang bestfriend ko eh sila gumagawa ng hw ko! Ahahaha
"Thanks Nate! I'll treat you later!" Nag-smile naman sya agad ng pagka-lakilaki. Itong si Nate akala mo di mayaman kung mag-palibre daig pa patay gutom.
"So tita is staying here for good or babalik din agad sya ng US?" –Nate
"Nope. Babalik daw sya ng US after 3 days." I said.
"Edi wala ka na naman kasama sa house mo?" Tanong ni Via.
"I have a private nurse slash maid diba?" Nurse sya na nag-aalaga sakin pero para na din syang maid ko. Basta magulo! Ahaha
"Bat ka may nurse?"
"HOLY COW-AWANG FROG!" Napatalon ako sa gulat! Pano ba naman biglang may nagsalita ng pabulong sa may tenga ko! Tinignan ko si Austin na naka-ngiti sakin.
"Cute mo pala pag nagugulat. Sup V!" At nag-bro fist sila ni Via tapos nag-bigay lang sya ng manly nod kay Nate.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Hehehe. Wala kasi si Zack eh naglalaro ng basketball pa-ampon muna!" Kumuha na sya ng chair at umupo sa gitna naming ni Via.
"Did I say yes?" Pa-irap na sabi ko.
"Grabe ka naman! Di naman ako mang-gugulo! Diba Via?" Aba't tumawa lang si BFF! I smell something fishy!! Tinignan ko si Nate at nag-shrug lang sya sabay tayo.
"HOY NATE!" May alam ba to??
"SHH! Miss Peralta! Where do you think you are? No shouting!"
"Sorry po." Sungit talaga nung Librarian namin na si Ursula! Mataba kasi sya na laging naka-black akala mo may kinukulam sa suot nya tapos lagi pang naka-simangot. Kaya walang gusto pumuntang library eh!
"Ingay mo kasi." Sabay na sabi nila Via at Austin.
Tinitigan ko ang dalawa na parang close na close kung mag-usap! ANO SILA NA ANG MAG-BESTFRIEND? Outcast na ako ganun??? Ako dapat ang bestfriend eh!!!
"Sis!! I need help again today for our practice sa cheering!!" Napatingin kami lahat sa may pinto ng library. Andun si Audrey sa may door at kumakaway sakin.
BINABASA MO ANG
The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]
RomanceCurrently editing some typographical errors. No worries I'm not changing anything about the flow of the story. :) Once a heart breaker, always a heart breaker. Meet Riley she's one of the most popular girl in Scarlett University hindi lang dahil sa...