Chapter 38

131 1 0
                                    

Chapter Thirty Eight (Sprinklers)

Austin’s POV

Akalain nyo yun finally couple na sila Zack at Riley! Wahahaha Gumana na din yung gayuma ni Zack kay Riley! Wahahaha Gwapo ko talaga! Wahahaha

Nagpa-party party kami ngayon sa field syempre kailangan i-celebrate yung kanina! At ngayon lumabas na yung mga food na pinahanda namin, ang kaninang super weird na regalo/surprise ni Zack kay Riley naging isang malaking party! Naglabasan ang mga pagkain, inumin (beer and stuff syempre) at ang DJ and it’s time to PARTEEEY! \m/

Siguro tinatanong nyo kung paano kami pinayagan dito no? School property tapos nagpaparty party kami dito? Syempre magaling kami tumakas eh! Joooke! Sila Jace kasi isa sa mga share holders ng school ayun cone-connection din mga tol! Gwapo ko talaga! Wahahaha

“Grabeee! I am soo kinikilig to the bones! ZK is so sweet talaga!” Napatingin kami lahat kay Audrey na halos punitin na yung damit ni Nate at halos bugbugin na sya sa sobrang kilig nya. Grabe talaga mga babae pag kinikilig pumapatay! Tsk.

“KYAAAH! They kissed again!! *PAK* “ Napangiwi naman ako ng hampasin ng sobrang lakas ni Audrey si Nate sa braso nya. Nakita ko pang napa-atras yung dalawang kumag at si Nate naman nag-pout lang tapos hinimas himas yung braso nya. Sakit nun mga chong. (.___.”)

“Hoy Barbie! Maghunos dili ka baka mawalan na ng braso si Nate!” Singit ni Tboom sabay binatukan si Audrey.

“Ouch! I’m kinikilig eh ano ba! Hmp!” Nag-cross arms si Barbie—este si Audrey. Tss.

“Mga babae talaga kung kiligin brutal.” –Ako

“Oo nga! Tss.” Napatingin naman kaming lahat sa nagsalita… si Tboom…

“Nagsalita ang babae ah.” –Jace

“Whatever!” –Via

Matukso nga tong tboom na to. Ahahaha Akmang aakbayan ko na sya ng may humawak sa braso ko or rather pumulupot sa braso ko. Tinignan ko sya with a poker face.

“Hi Austin. Wanna dance?” Is she flirting with me? Tss. Nako kung noon to pinatulan ko na agad to. Teka…bakit noon? Ano nagbago ngayon? Napalingon ako sa harap ko at nakita si Tboom na masamang nakatingin sakin.

*gulp*

“Tb—“

“Tara na Austin!” Hinila ako nung babae pero pumalag ako.

“Teka ano ba.”

“Via!!” Tinignan ko kung sino yung tumawag kay Tboom. Isa to sa mga varsity ng chess sa SU ah. Tss. Ano pakay nito kay Via?

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon