Chapter 2

270 4 0
                                    

Chapter Two (My Stalker)





Riley's POV

"Rye!" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Nate na tumatakbo papunta sakin. Tumigil sya sa harap ko at hinabol ang hininga nya.

"Oh. Anyare sayo? Bat pagod na pagod ka parang inikot mo buong school ah." Tinignan nya ako ng masama at nginitian ko na lang sya. "Oh panyo." Inabot ko sa kanya yung panyo ko. Kawawa naman kasi tong si Nate pawis na pawis.

"Thanks." Sabay kuha ng panyo at punas punas din. Ahaha "Ano yung balitang kumakalat sa social networking sites?" Tanong nya sakin.

"Alin dun? Yung balitang nakipag-break at pinaiyak ko si Jake or yung binasted ko si uhm... Christian ba yun? Or yung new hair style ko daw or yung pumapayat daw ako or—"

"None of the above!" Singit ni Nate. "Yung picture nyo nung new students sa class nyo."

"Ah! Si Zack? Nako grabe hindi yun totoo no! At huli ka na sa balita no two days ago pa yan Nate!" In fairness dami ko palang chismis no? Lagi na lang akong laman ng twitter, fb at insta. Hirap maging idol sa school na to.

"Sorry busy ako eh. So ano?" Sabi nya

"Di ko sya type." Natawa naman si Nate sa sinabi ko.

"Ouch!" Napatingin kami ni Nate sa nag-salita at... Si Zack lang naman po yung nag-salita.

"Oh. Andito ka pala." Bored na sabi ko. Nakita ko naman nag-nod si Nate kay Zack in a manly way.

"Di mo ko type? Kaya pala halos matunaw na yung abs ko sa tingin mo." Natatawang sabi nya sabay hinarap nya yung phone nya sakin. Nanlaki naman yung mata ko sa nakita ko! Pano ba naman wallpaper nya yung stolen pic namin nung natapunan ko sya ng water sa fountain!!

"HOY! Alisin mo yan jan!" Sinubukan kong kunin yung phone nya pero tinataas nya. Nasabi ko na rin bang medyo maliit ako? Huhuhu

"No! Akin to eh!" Sabi nya habang natatawa.

"ZACKARY KIER DE SILVA!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis! Pinapakita pa nya sa mga naglalakad na student yung phone nya! Nakakahiya!!

"So kailangan pala talaga mag-hubad sa harap mo para maalala mo yung buong name ko no? You silly girl!" Sabi nya sabay gulo ng hair ko. UGH!! Nakakainis! Nakakahiya!!

"NATE!" Tinignan ko si Nate for help. Kaso nag-shrug lang sya. ANAK NG! FOF! As in friendship over forever NATHAN!!!

"Pero pumpkin di ako papayag na may mag-hubad sa harap mo na ibang lalaki kahit na yun lang ang way para maalala mo name nila ah. Gusto ko ako lang." Then kinindatan nya ko. Kinilabutan naman ako sa sinabi nya. Hindi ba sya natatakot sa mga pinagsasabi nya?

"Ugh!" I roll my eyes at padabog na tumalikod. Bahala sila jan!

"Hey! Wait up pumpkin!" Umakbay sakin si Zack pero agad ko naman itong tinanggal.

"Don't touch me. Di tayo close!" I cross my arms in my chest at inirapan sya.

"Ouch. Ito na ba yung sinasabi nilang heartbreak??" At umarte pa syang masakit daw puso nya.

"Not even close." Tinalikuran ko na sya at nag-lakad pabalik ng cafeteria.



***



Pagdating naming dun nakaupo na sa usual tambayan naming sila Audrey at teka bat nandun na si Nate?? Iniwan ako sa mokong na to? Totoo ba??

"Hoy Nate! Sarap ng kain mo ah." Sabi ko pag-dating naming ni Zack sa tambayan. And yes pinasok ni Jace yung 2 newbie sa circle of friends namin.

"Busy ka kasi eh." Nakangiting sabi nya sabay tingin kay Zack. Pinandilatan ko naman sya ng mata. Kainis! Pati ba naman tong bestfriend ko mangungulit samin???

"Girl may practice kami ng cheering later. Please help us out naman oh!" Audrey said to me.

"Audrey alam mo naman na di na sumasayaw si Riley eh." Sabi ni Nate.

"She doesn't have to. All she have to do is teach us some moves na alam pa nya. No need to make pagod." Sabi nya and she used her puppy dog eyes na no one can resist. Hayyy

"Fine fine." Sabi ko.

"YEY! The best ka talaga!" She hugged me tightly.

"Rye!" Tinignan ko si Nate na naka-kunot noo sakin.

"Chill Nate. Its been a year since I last dance. Wala naman mawawala diba?" Nginitian ko sya at umiling lang sya sakin.

"Good thing I brought extra clothes for you!" Sabi ni Audrey. I was the cheerleader before pero dahil sa medyo sickly ako my Mom decided na patigilin ako sa pagsasayaw. Kahit na labag sa kalooban ko wala na akong nagawa.

"Pwede manood?" Sobrang laki ng ngiti ni Zackaria na to! NO! DI SYA MANONOOD KUKULITIN LANG NYA KO!

"No!"

"Sure!" Sabay na sabi naming ni Audrey.

Tinignan ko sya ng masama pero nag-shrug lang sya. Sus! Crush nya kasi si Austin eh. Tss.

"Great! Kelan ba yan?" Tanong ni Zack kay Audrey.

"Later after class sa may Gym." Hayy! Bahala na si Batman!!









---









"Okay! Water break muna." Sigaw ko sa mga cheerers sa harap ko.

"You are a life saver!! Sayang di ka na sumasayaw sis!" Sabi sakin ni Audrey.

Kanina pa kami sumasayaw dito at napapagod na din ako. I am such a liar! Sabi ko pa naman kay Nate na di ako sasayaw. Huhuhu chuchugiin ako nun eh. Buti na lang nerd sya at nasa library sya now gumagawa ng hw ko! Ahahaha

"Water mo pumpkin." Inabot sakin ni Zack yung water ko. Nag-thank you naman agad ako. Nakakauhaw grabe! Alam nyo bang may silbi din pala tong si Zackaria? Sya lang naman po ang pina-bili ko ng water namin ng mga cheerer! Ahahaha Mean ko!

"Galing mo pala sumayaw pumpkin!" Sabi ni Zack after ko ibigay sa kanya yung water ko.

"Syempre no! Sya kaya cheerleader since first year kami!" Singit ni Audrey. Chismosa talaga to!

"Bat ka tumigil?" Tanong ni Zack.

"Kasi ayaw na ng mommy nya. Sakitin kasi yan." Singit ni Audrey... ULIT!

"Sayang. Ang hot mo pa naman sumayaw pumpkin." Sabi nya sabay kindat sakin. Nakooo! Nakakataas balahibo mga sinasabi nito ni Zack!

"I know right! She is so good at dancing! Kahit ako I envy her eh." Sabi ni Audrey.

"Hoy Audrey! Ikaw ba si pumpkin ha?? Kanina ka pa singit ng singit jan eh. Mag-practice ka na nga lang ulit!" Tinulak ko sya paalis at nag-wave lang sya sakin.

"Soo... PUMPKIN." Tinignan ko si Zack na ngayon eh nakangiti ng nakakaloka sa akin. "I knew it, you like me calling you my pumpkin! ;)"

"CHE!" Sigaw ko sa kanya sabay balik na sa formation.

Kainis! Bakit ba kasi pumpkin tawag sakin ng mokong na yun?? Mukha ba akong pumpkin ha?!?



****************

Zackary Kier De Silva's picture! ------------->







Next Chapter: The BFF

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon