Chapter 59

104 2 0
                                    

Chapter Fifty Nine (3 words, 2 broken hearts, 1 word... WE ARE OVER)

Third Person’s POV

Mabilis na lumipas ang weekend at Monday na ulit. Kakaparada lang ni Zack sa kotse nya. Napabuntong hininga sya dahil nag daan ang Saturday at Sunday pero hindi sila nagusap ni Riley. Hindi sinasagot ni Riley ang mga tawag at text nya.

Ito na ba? Ito na ba ang katapusan nila? Pero naniniwala ang lalaki na maaayos pa ang lahat at babalik ang lahat sa dati.

Nanigas naman sya ng makita nya ang isang pamilyar na kotse na pumarada sa harap ng kotse nya. Bumaba doon si Chase at binuksan naman nya agad ang passengerseat at niluwa nito si Riley.

“FVCK!” At iba ibang emosyon ang nararamdaman ng lalaki sa nakikita nya. Ano ba ang nangyayari? Wala na nga ba talaga sila? Pero bakit hindi nagsasbi ang dalaga sa kanya?

Bumaba si Zack sa kotse nya at padabog na sinara ang pinto dahil dun napukaw nito ang attensyon nila Riley at Chase. Nakatingin ng masama si Zack kay Riley pero walang emosyon ang mata ni Riley.

Matagal silang nagtitigan bago tumalikod at umalis na ang dalawa. Nage-expect si Zack ng paliwanag o kaya naman pagsuyo mula sa dalaga dahil sya ang dahilan ng problema sa relation nila ngayon.

Magulo. Masyadong magulo. At hindi na alam ni Zack ang gagawin.

Pumasok na si Zack kahit gustong gusto na nya lumayo. Pumasok pa rin sya dahil gusto nya makita si Riley kahit na nasasaktan sya.

Pagdating nya ng classroom umupo agad sya sa tabi ni Riley at tinitigan ang dalaga. Gusto nya ito kausapin pero walang lumalabas sa bibig nya. Binuka nya ang bibig nya ngunit walang tinig ang lumabas dito. Si Riley naman ay busy sa pagte-text.

Don’t tell me si Chase katext nya?! Inis na sabi ni Zack sa sarili.

Nagumpisa na ang klase, si Zack ay laging nakatingin kay Riley at pinagmamasdan ito ngunit ang dalaga ay parang walang pakialam at hindi sya pinapansin.

Dumaan ang lunch pero hindi sumabay si Riley halatang iniiwasan nya ang barkada nila. Uwian na at nagaayos na ng gamit nila ang mga studyante at handa na lumabas.

Si Zack naman naghahanda din ng sasabihin kay Riley pero…

“Riley?” Naikuyom na naman nya ang kamao nya ng dumating si Chase na para bang sinusundo si Riley. Agad naman binilisan ni Riley ang pagaayos ng bag nya at nagmamadaling umalis.

“Riley! Magusap tayo.” Sa wakas nakapagsalita na rin si Zack. Sila Audrey, Austin, Jace at Caleb naman ay seryosong pinagmamasdan ang nangyayari.

“Wag muna ngayon Zack…May kailangan kasi kaming puntahan…” hinila na ni Riley si Chase at nawala na sila.

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon