Special Chapter

258 1 0
                                    

A/N: A special chapter kung paano nagkakilala ang mga magkakabarkada at pano nagumpisa at natapos ang loveteam nila Micolet at Aliculet. Sana magustuhan nyoooo. Pakibasa din pala ang Author's note sa baba. I have an announcement to make. Thooonks! 😘❤️

Riley's POV

"Ryeskiii!!! OMG! Why so poker face? Aren't you excited ba sa first day of high school life natin?" Napa-iling na lang ako habang naggi-giggle si Audrey at parang di mapakali sa kinauupuan nya.

Nasa gym kami ngayon ng Scarlett University at naghihintay magumpisa ng Opening slash Welcoming Ceremony for freshmen.

"Riley. Zupp!" Napatingin ako sa kakaupo lang na si Via sa tabi ko at nilahad pa nya ang kamao nya na parang naghihintay ng himala.

"What?" Bored na sabi ko. Napa-simangot naman si Via sakin.

"Bro fist daw kasi Ryeskii. Pffft." Sabi ni Nate na katabi ni Via.

"Ahh. Okay?" Nagaalangan ko namang ginawa ang bro fist na hinihingi ni Via para naman matahimik ang kanyang kaluluwa--este sya pala.

"Corny mo poreber bff! Buti pa mga classmate ko dun *turo nya sa grupo ng mga lalaki sa harap* sobrang funny at hindi KJ. Ahahaha" Nung sinabi nya yung KJ tinignan nya pa ako. Ako ba pinapatamaan nitong tibong to??

"Edi dun ka na." Mataray na sabi ko.

"Joke lang to naman. First day na first day ng High school life natin ang taray mo na agad. Buti na lang lab kita, bff. Kahit maarte, mataray at mainitin ang ulo mo." Sinamaan ko sya ng tingin at nag-peace sign lang sya sakin.

Sapakin ko tong Via na to eh.

Mayamaya umakyat na ang host at nagstart na yung program. Matapos ng welcoming speech ng mga kung sino sino jan ay pinapila kami sa labas ng gym para sa Welcoming Walk plus tour na din daw.

Naglalakad ako with Audrey ng may baliw na nagdive sa harap ko. As in literal na nag-dive at naka-higa na sya ngayon sa sahig. Tanga ba to??

"Pfft. Wahahahahaha tanga!" Napatingin ako sa lalaki na tinatawanan yung nag-dive na lalaki.

Tumayo ito at pinagpagan ang sarili nya.

"G*go! Gwapo hindi tanga! May maganda kasing mga dilag sa harap ko *tingin sakin at kay Audrey* kaya na-fall ako. Hi miss." At nagwink pa sya sakin.

Napa-iling na lang ako.

"Alam mo tol. Ayaw ng mga magagandang babae gaya nila sa mga lampa at tatanga tanga. Hi miss. Jace Sebastian nga paka. Ikaw?" Nilahad nya ang kamay nya sakin at tinignan ko lang ito.

Nginitian ko sya, "I'm...NOT interested." Inirapan ko din sya at hinila na si Audrey paalis.

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon