Chapter 2

140 3 0
                                    

“Marco, gumising ka na..! Tanghali na….”

Samahan mo yung Tatay mo sa bayan at bibili sya ng pataba at medisina para sa manggahan at palayan natin.

Opo, andyan na Nay.! Sagot nya sa kanyang ina,” Ano ba naman eto si Nanay, aga-aga pa, inaantok pa ako,buhay nga naman.” Nasabi nya sa sarili habang nagmamadaling nagbibihis ng damit.

Nakatulala siyang nakasakay sa jeep papuntang bayan, naisip na naman nya ang nangyari sa kanyang panaginip. Bakit paulit-ulit na lang nyang napapaniginipan ang gyera, parang hinuhunting sya nito.Sa kabilang dulo ng kanyang panaginip ay napapanaginipan nya ang isang masayang pamilya, masayang naghahapunan pero biglang binaril ang kasama nila sa pamilya.

Nagulat sya ng may biglang tumapik sa kanyang balikat.

“ Hoy, kanina ka pa dyan, tulala, ano bang nangyayari sayo anak? Andito na tayo, ihanda muna yung listahan natin dyan. Sambit ng Tatay nya.

Opo Tay, eto na po, ay teka, sandali lang tay ha,mukhang naiwan yata ang listahan tay. 

“Yan kasi ang lalim kasi ng iniisip mo, nabasted ka naman ba, o nag-iisip sa babaeng nililigawan mo? 

“Tatay naman, wala naming ganyanan”, habang nilalagay nya mabilisan ang papel sa bulsa ng jacket ng Tatay nya.

Ayan Tay oh, nakaipit sa bulsa mo ang listahan, andyan naman pala sayo Tay,ano ka ba ay matanda ka na , makakalimutin ka na masyado.” Pabiro nyang sabi sa Tatay nya.

Ah, oo nga pala, andito pala sakin. Hehe, matanda na talaga ako. Sige bilisan mo dyan, punta na tayo dun sa tindahan.

Habang naglalakad sila papunta sa tindahan ng pesticides ay may nakitang billboard si Marco, JOIN THE ARMY ang kanyang tanging nabasa.

“Kumusta ang lakad nyo anak? Tanong ng nanay nya.

Ok lang po nay, kumpleto naman yung nabili namin, nay. Hinahanda na ni Tatay para bukas daw. Nasan nga pala si Daisy nay?

“ Ayun sa likod bahay, nagbabasa , ewan ko ano bang binabasa nun? Oh siya, maiwan na kita at maghahanda pa ako ng kakainin natin.

Umalis na ang Nanay nya ng kinuha nya at may kinuha syang papel sa bulsa ng shorts nya, nakasulat ang requirements ng Army, binabasa nya habang napatanong sa sarili, kung ano ang kanyang magandang palusot para kumbinsihin ang Nanay nya na pumayag na pumasok sya sa pagsusundalo. Mag-aapply sya ng Army.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon