Chapter 19

53 2 0
                                    

“Hello miss…nakangiting pagbati i ni Marco


Oh, ikaw na naman, halos lingguhan ka na dito ah.

Masama bang dumalaw? Hindi ba pwedeng bisitahin ang babaeng kasingganda mo.?

Bolero…kahit kailan talaga, kayong mga sundalo, bolero at sinungaling…sagot ng babae.

Totoo naman ah, ikaw bakit? Kahit kailan suplada ka pa din…hah. hah?
“Basta maganda, suplada..”
Napangiting sumagot ang babae…

Napanganga si Marco sa narinig nya..

Oh, nasan na pala yung kasama mong si Leon? 

Ayun, umuwi sa kanila, naghahanda para sa kasal nya. Ikakasal na kasi yun sa susunod na buwan. Nakabreak yun ngayon kaya ako lang nandito at ang isang katropa ko.

So ano, hintayin na lang kita sa labas ….sabay tayong magdinner..

Sige, sige…..sagot ni Ashley

Habang naghihintay si Marco sa labas, ay pinagmamasdan sya ni Ashley. 

Tinitingnan nya ang matipuno nitong katawan, ang bilugang hugis ng mukha, ang kanyang tindig na tila ba isang artista sa pelikula. 
Napangiti sya habang nakasulyap. Nasabi nya sa sarili ,maswerte ang babaeng mamahalin ni Marco, bukod na mabait pa eto at may hitsura, marespeto pa etong tao.

Matagal na ding nanliligaw si Marco kay Ashley,matagal na etong naghihintay sa matamis nyang ‘OO’, kaya naisipan nyang sagutin eto ngayong gabi na.

Nagdinner sila sa isang sikat at mamahaling restaurant, Masaya silang nagkwentuhan ni Marco at nagpapalitan ng mga biro ng biglang napahinto si Ashley sa pagtawa.

Marco, may itatanong sana ako sayo?

Sige, Ley, ano yun?

Nakailang girlfriend ka na?

Nagulat si Marco ng may tumapik sa likod nya.

Boc, kailangan na tayong bumalik sa kampo. Kailangan tayo dun, mag-ooperate daw ngayon, may ambush na nangyari sa Monkayo, saka ko na sasabihin sayo ang detalye kapag nandun na tayo.

Nagmamadaling sumakay sina Marco at Ryan sa motor pabalik sa detachment at nakatangang naiwan si Ashley sa restaurant na pinagkakainan nila.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon