Chapter 10

66 1 0
                                    

Nagulantang si Marco sa kanyang nalaman, na-ambush ang KM na sinakyan ni Leon, ayun sa radioman nila, dali-dali niyang sinuot ang combat, bitbit ang M14 niyang baril with telescopic, siya kasi ang Sniper sa kanilang tropa.

Walong Scout Ranger silang naglalakad dala-dala ang mabibigat nilang jungle pack at mga bala.Hanggang sa umabot sila sa lugar malapit sa pinangyarihan..

“Area is cleared and secured” sabi niya. 

Dahan-dahan siyang lumapit sa pinangyarihan, sabog-sabog ang KM na sinakyan nila Leon, tadtad eto ng bala. Wala siyang makitang kagamitang naiwan dahil nilimas lahat.

Hindi nya masikmura ang nangyari , at hindi pa eto kayang i-identify dahil maliban sa pugot,nakahubad at tadtad ng bala, ay sinunog pa eto.

Nasuka siya sa kanyang nakita, hindi makatao ang ginawa nila sa mga katropa nya. Napahagulgol si Marco habang nakaluhod at nakatingala sa langit.

Hindi nya lubos maisip kung bakit yun nangyari sa kanila.

Ipaghihigante kita ching, galit nyang sinabi. Ipaghihigante kita…Ipaghihigante ko kayo!!

Dinala nila ang mga body-bag sa base at pina-airlift eto ng Air Force papuntang Luzon.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon