“ Dalhin mo ang mga anak natin, tumakbo na kayo Myrna, umalis na kayo habang wala pa sila, dali, alis na….!!
Ang mga salitang namutawi sa bibig ni Mang Tasyo habang mabilisang nag-empake ng mga damit ng kanyang mag-ina. Hawak-hawak ang kanyang baril at itak na tila ba hinahabol ng isang leon.
“Tasyo, paano na kami ng mga anak mo? Buntis pa ako, paano kami mabubuhay, magtatago na lang ba tayo na parang criminal, palage na lang tayong ganito, parang ang sama-sama, mahirap pa tayo sa daga, napapagod na ako Tasyo, napapagod na ako sa kakain ng kamoteng-kahoy, bumaba na lang tayo sa kapatagan, maawa ka naman sa mga anak mo! , Sumuko ka na, tama na.!
Walang pakundangang sinabi ni Aling Myrna habang umiiyak karga-karga ang isang taong-gulang nilang anak.
“ Hindi pwede Myrna, bakit ako susuko sa kanila, para saan pa, para patayin lang ako ng mga sundalo,may prinsipyo ako Myrna, at pinaliwanag ko na sayo ang lahat, hanggang ngayon ba hindi mo naiintindihan ang lahat. Oo, mahirap lang tayo, pero hindi tayo tulad ng mga politikong nagpapasarap sa buhay habang gutom ang sambayanang-Pilipino, nakikita mo ba yung Mayor natin dyan, wala yang ginawa kundi magpayaman ng magpayaman, akala mo kung sinong santo,pero lahat ng pera nyan ay pera ng bayan. Huwag na tayong magtalo Myrna, umalis ka na.! Umalis na kayo.!
Tatay, sumama ka na lang sa amin, ayokong magkakahiwalay tayo, maawa ka naman sa amin, kahit mahirap lang tayo basta buo lang pamilya natin, sige na tay”
Tanging nasambit na mga salita ni Dondon.
“ Umalis na kayo, alagaan mo ang nanay mo ha, pati mga kapatid mo, maging matapang ka anak, tandaan nyo mahal na mahal ko kayo., Umalis na kayo.”
Dumating ang mga sundalo sa pinagtataguan nila, nagkakahiwalay ang mag-anak, ang tanging naririnig ni Dondon ang palitan ng putok sa di kalayuan ng kanilang pinagkukublihan. Tumatakbo sila palayo habang yakap2x niya ang kanyang nakakabatang kapatid. Hindi na nya mahagilap ang Nanay nya, tanging nakikita nya ay malalaking puno at mga matataas na damo, takbo sya ng takbo hanggang sa matigil siya sa isang sapa.
Hindi nya napansin, na dumudugo na ang paa nya dahil natusok eto ng kahoy , pansamantala silang nagpapahinga sa sapa kasama ang kanyang nakakabatang kapatid, na parang wala etong alam sa nangyari.
“Kuya, gutom na ako, kanina pa tayo tumatakbo, gutom na gutom na ako” Nasan si Nanay at Tatay kuya? Bakit tayo lang dalawa ang nandito.?
Luha-luhang tanong ng kapatid nyang babae habang , pagod na nakaupo sa ibabaw ng bato.