Alert ang tropa ng mga Scout Rangers. Kanya-kanyang puwesto sila sa kanilang detachment. Walang isa ang natulog, dahil mismo sa araw na yun kung saan naambush ang kanilang tropa ay may balitang i-harass ang kanilang kampo.
Napaidlip si Marco sa gilid ng puno ng biglang may naaninag siyang anino sa di kalayuan. Dumapa siya sa malapit na talahiban, nabigla siya sa kanyang nakita, napahawak sya sa kanyang M14 na baril ,handa na siya kung may gyera na naman na mangyari.
Ching…..sabi nya sa sarili…..ang bilis mo namang magparamdam, minumulto na yata ako, wla namang ganyanan Ching, dahil hindi ako sumama, multuhin muna ako….
Duwag lang ang maniniwala sa multo, ano bang nangyari sakin, namamalik-mata lang yata ako. Biglang nawala ang mukha na nakita nya.
Pumasok sya sa bunkhouse para kumuha ng dagdag na bala ng nakita nya si Leon na nakatalikod at nagsusuot ng combat. Nagulat sya sa nakita nya, minumulto na talaga sya.
Nilapitan nya eto, hindi pala siya minumulto. Totoo nga pala na buhay eto.
Gago ka ching..!!.. Buhay ka?!!!
Nagulat si Leon, ng sampalin sya nito.
Bakit?.Ching...sakit nun ah..ang lakas pa..!!
Akala ko patay ka na! gago ka talaga ching, napahawak si Marco sa ulo nito habang hinila nya ang buhok nito.
San ka ba galing? Akala ko kasama ka sa na-ambush kanina. Pusang-alaw, akala ko minumulto muna ako ching. Anak ng Baka!!
Inutusan kami ni Sgt. Breguera kanina ching, dalawa kami ni Dela Vera, may pinuntahan kami dyan lang sa baba , hindi ba nya nabanggit sayo na hindi ako sumama pababa sa bayan?.. Hindi na kita nilapitan kasi alam ko na galit ka….at hindi na din kita inistorbo pa.
Napanga-nga si Marco, habang tinitingnan si Leon na nagsusuot ng combat at naghahanda sa baril nya. Sa kaloob-looban niya, Masaya na din sya dahil hindi nasama sa ambush ang kinakapatid nyang si Leon.
Nakahanda na sila para sa anumang harrassment na mangyari.
