Hinintay nila ni Marco ang babae hanggang sa lumabas na eto sa CR. Humingi siya ng despensa at nakipagkilala ng maayos. Hinatid nila sa sakayan ng jeep.
Mabilisang pumunta sila Marco sa isang tindahan ng damit sa ALDEVINCO, namimili siya ng mga ipapasalubong nya sa kanila,mga kwentas na gawa sa perlas, at mga damit na gawa ng Davao.
Bumili din sila ng ilang prutas, durian, pomelo at mangosteen.
Pagdating nya sa bahay ay masaya silang nagkwekwentuhan ng pamilya nya, graduating na din sa college si Daisy. Ang bilis ng panahon.
Ngunit eto sya, wala pang girlfriend, tinutukso na sya ng kanyang mga kababata, pati kapit-bahay nila nagtatanong kung kailan sya magdadala ng babaeng ipakilala sa pamilya nya.
Dumaan ang isang linggo, hinanap ni Marco ang journalist na nagbigay ng sobre sa kanya, nakita nya eto sa isang sikat na TV Station, nagtatrabaho pa din after sa mga nangyari. Hinintay nya eto hanggang sa matapos ang programa.
Maam, hindi ko po matatanggap etong cheque na binigay nyo, masyado pong malaki eto at hindi naman ako tumatanggap ng bayad sa aming pagtulong sa inyo. Tungkulin ko pong iligtas ang inyong buhay bilang isang sundalo.
Pasensya na po, pero hindi ko eto matatanggap.
Isinauli ni Marco ang cheque sa babae.
Pero nagpupumilit pa rin ang journalist.
Tanggapin muna bilang pasasalamat ko sa inyo, utang ko naman sayo ang aking buhay. Please..
Sorry mam pero hindi ko po matatanggap…kung gusto nyo, idonate nyo na lang po yan sa mga foundation dahil mas lalo nilang kailangan yan.
Sige po mam at may pupuntahan pa ako.
Tinalikuran ni Marco ang journalist at lumakad na sya….
Sandali…...Ihatid na lang kita , sabay ka na lang sa amin, total nakapunta na ako sa inyo.
Huwag na po mam, salamat…. Sagot nya…..