Chapter 3

126 2 0
                                    

Nay, may sasabihin sana ako sayo” seryoso nyang sabi sa Nanay nya habang nakahawak siya sa mga kamay nito.

“Ano yun anak?” Wag mong sabihing mamanhikan ka na, wala ka pa ngang pinakilala dito sa amin ng tatay mo,” 

Nanay naman…Hindi po, hindi naman ako nagmamadali eh, wala pa nay, at malabong mangyari yun.

Ano naman yun anak? Sagot ng Nanay nya.

Mag-aapply sana ako ng army.

Mag-aapply ka ng army? Para san pa? Anak, pwede ka namang mag-aral sa bayan, kumuha ka ng Engineering, teacher, agriculturist…yung related sa buhay natin, wag lang yung pagsusundalo anak. Huwag ka lang pumasok sa Army, masasaktan ka lang doon.

“Nay-itrain po nila kami, hindi kami sasaktan.” 

Paano kung hindi mo kayanin ang training? O baka mabalian ka, matamaan ka ng bala?

Hindi naman po giyera ang pupuntahan ko nay, wag po kayong mag-alala, maging ok po ako dun, marami naman po kami” Niyakap niya eto. Ayaw nyang makitang iiyak din eto dahil nasasaktan din sya, masasaktan sya sa pag-alis nya pero gusto nyang magsundalo, gusto nyang malaman kung ano ang gumugulo sa panaginip nya.

Napatalikod na lang ang kanyang ina, sabay punas sa luha nito.

“ Pero anak, ipapadala ka nila sa Mindanao, ipapadala ka nila sa Basilan, maraming rebelde doon, maraming batang sundalo ang namamatay doon at hindi na nakakabalik pa, Hindi ko matatanggap kapag may masamang mangyari sayo,Baka mauna akong mamatay.

Nay”

Pero lalo pang lumakas ang pag-iyak nito, napahagulgol sabay yakap sa kanyang anak.

Mabuti na lang at nasa likod sila ng bahay at hindi masyadong naririnig ng kapatid nyang si Daisy, baka magalit eto dahil ayaw na ayaw nitong makakita ng sundalo, ni kahit anino ng uniporme ay kinamumuhian nya, hindi din nanonood ng telenobela at ibang palabas sa sinehan dahil ayaw na ayaw nya, sa dahilan na takot sya sa baril at ayaw nya ng kaguluhan.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon