Chapter 21

57 2 0
                                    

Marco anak, hindi ka namin totoong anak ng tatay mo, inampon ko lang kayong dalawa ni Daisy, nakita namin kayong dalawa dun sa malaking sapa sa Monkayo,nakahandusay ka at duguan habang iyak ng iyak si Daisy. Hindi mo na siguro matandaan ang lahat dahil bata ka pa nun, patawarin mo ako anak. Patawarin mo ako.

Tanging nakita ko lang sayo ay ang panyo mong pula kaya itinago ko dun sa cabinet mo.

Dinala ka naming sa Luzon para makalimutan mo ang lahat at ng hindi mo maalala. Pero talagang ang kapalaran ang nagpapabalik sayo sa Mindanao.

Hindi ko na inalam kung nasaan pa ang pamilya mo, dahil alam kung makakalimutan mo din sila, pero hindi anak eh….kusa kang bumabalik sa yong pinanggalingan.

Napahagulgol nitong sinabi sa kanya.

Hindi nyo kami totoong anak, ibig sabihin,meron pa akong mga kapatid? Meron pa nay, nasaan ang Nanay ko, naalala ko buntis pa sya noon habang nagkakahiwalay kami.

Paluha-luha nyang pagsusumamo…..

Napapaluhang umalis si Daisy at sinundan sya ni Ashley.

Pagkatapos ng ilang linggo, bumalik na si Daisy at ang Nanay ni Marco sa Luzon.

Bumalik na naman sa kampo si Marco at si Leon galing sa break nya. Sa detachment lang muna sya nagtatrabaho habang pinaghihilum nya ang kanyang mga sugat.

Nagkibit-balikat syang nag-iisip kung ano ang gagawin nya. Nagiging malungkot si Marco sa nalaman nya, hindi nya alam kung san at paano sya magsisimula. Hahanapin ba nya ang ang tunay nyang pamilya o lulusubin ang kampo ng Tatay nya?

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon