Sa loob ng tatlong taon, nakailang operation na rin sila sa mga parte ng Comval.
Dahil sa pagkatalo ng rebelde sa sunod-sunod na bakbakan ay nabuwag ang ilang grupo na patuloy na nanghihingi ng revolutionary tax at nanghaharass sa mga sibilyan sa lugar na iyun.
Ang bilis ng taon, break na naman nila. Pero bago sila umuwi ni Leon sa Luzon ay dumaan muna sila sa Davao City para bumili ng pasalubong.
Habang pababa sila ng jeep ay napansin nyang sinusundan sila ng dalawang tao. Mabilisan silang naglakad pero sinusundan pa rin sila, iniligaw nila ang mga lalake, si Leon pumasok sa kusina at sya at nagtago sya sa likod ng pinto, ng may sumigaw……
MANYAK…!!! MANYAK….!! Umalis ka dito, rapist,tulong…!!..
Psssstttt..Wag kang maingay….. pabulong na sabi ni Marco.
