Lumipas ang ilang buwan, kinasal na si Leon at Lyka at si Marco ang bestman nya, Engrande ang kasal nila, inililihim lang pala ni Leon sa kanya na si Lyka ang pakakasalan nya, ang sikat at mayamang Journalist, matagal na silang nagkikita ni Leon, simula noong nakidnap sya. Masayang nag-iinuman sila at ang tropa ng Scout rangers sa panahong yun.
Dinala din ni Marco, si Ashley na girlfriend nya at pinakilala sa buong tropa, pinasama nya din eto sa kanila sa Luzon, at maayos na pinakilala sa buong angkan ng kasalukuyan nyang kinikilalang pamilya.
Masayang-masaya si Marco sa araw na yun. Sa wakas buo na din ang pagkatao nya.
Dinala nya pabalik ng Mindanao ang kinikilala nyang Nanay at ang kapatid nyang si Daisy , para ipakilala eto sa tunay nilang pamilya,
Pagbaba nila sa Davao terminal ay lumuhod siya at isinuot ang singsing na nakatago sa bulsa ng kanyang pantalon.
Napaluha si Ashley sa tuwa, dahil hindi niya inaasahan ang pangyayaring iyun at mismo sa loob pa ng airport. Nagpalakpakan ang mga tao habang niyakap ni Marco ang magiging asawa nya sabay bulong sa kanya “ Kahit sobrang baho ng amoy ng tae mo, pakakasalan kita, mahal na mahal kita Ashley”
Lumipas ang isang taon, kinasal din si Ashley at Marco, Naninirahan sila sa siyudada ng Davao. Samantalang si Leon naman ay nagpareassign sa Luzon.
Sunod-sunod na nabuwag ang mga kampo ng rebelde sa buong Luzon. At Masaya na din si Marco dahil nabigyang hustisya na ang pagkamatay ng ama nya.
Balik Operation na naman si Marco sa kabundukan ng Agusan. Doon na naman ang kanyang bagong assignment . Isiniwalat kasi ng Tatay nya kung saan naroroon ang iba pa nitong kasama,Dahil sa delikado ang lugar ,malayo at pawala-wala ang signal, hindi sya oras-oras makapagtxt at tawag sa misis nya.
Kinikilabutan si Ashley sa kanyang napanaginipan habang nakaidlip sya, dali-dali nyang kinuha ang cellphone nyang 5110 dahil may tumatawag....
Tumatawag ang asawa nya.
"Kumusta ka na mahal?"
Yan ang tinig na tanging narinig ni Ashley habang nakahawak sa cellphone nya. At bigla nyang narinig ang malakas na putukan ng baril na umalingawngaw sa kawalan.
Nakatanga siyang lumuluha hawak ang cellphone nya. Nag-iisip kung ano ang nangyari ng hindi nya namalayan na pumatak na ang kanyang mga luha, bumilis ang tibok ng kanyang puso na tila ba may hindi magandang nagyayari.
Habang nagdidial siya ng number ni Marco, iyak siya ng iyak pero tanging operator lamang ang sumasagot sa kanya. " Ano kayang nangyayari kay Marco, Oh, Lord ikaw na po ang bahala sa mahal ko".
Pabalik-balik sya ng kalalakad sa kwarto habang dial ng dial sa number ni Marco, at niyayakap ang mga damit na naiwan ng taong mahal nya, hindi nya mapigilan ang kanyang luha na pumapatak, kusa lang etong tumutulo na parang ayaw huminto. Kinakabahan sya habang hinahaplos ang tyan nya, ilang buwan na lang at manganganak na sya. Magkakaanak na sila ng mahal nya.
Umaga na pala, nakatulogan nyang hawak2x ang tshirt ng sundalo nya at maga ang kanyang mga mata. Pero wala pa rin syang natatanggap na text at tawag, ano kaya ang nangyari sa mahal ko sabi nya sa sarili.
Makalipas ang dalawang araw, pinuntahan na ni Ashley ang kampo ni Marco , matapang nitong nilakad ang kabundukang parte ng Agusan dahil hindi na mapasok ng motorsiklo.
Pagdating nya sa di kalayuan ay nagulat ang buong tropa nila, paika-ika pa etong naglalakad habang papalapit sa barracks nila. Ngunit wala pa si Marco , ni anino ay hindi nya nakita.
Ang sabi ng katropa nito ay nag-ooperate pa daw sa kabundukan at hindi pa bumabalik.
Hinintay nya hanggang maghapon sa loob ng barracks si Marco ngunit wala pa din eto. Nagulat na lang sya ng may humalik sa pisngi nya, nakatulog pa la sya .
Niyakap nya ng mahigpit ang asawa nya at hinalikan eto.
'MAHAL NA MAHAL KITA MARCO, MAHAL NA MAHAL KITA ASAWA KO"
THE END..!