Chapter 13

54 2 0
                                    

Hinanap ni Marco ang sobre na sinabi ng kanyang ina, sinulyapan nya lang eto at hindi pa binuksan, nakita na naman nya ang panyo na kulay pula. Nakatulog sya sa sobrang pagod galing sa byahe.

Kinabukasan, maaga syang lumakad papuntang bukid, papunta sa manggahan at taniman nila, naalala niya ang karanasan nya dito, kung paano sya tinuruan ng Tatay nya na balutin ang mangga, kung paano mamuhay ng simple sa kanilang nayon.

Napabuntong-hininga siya na alalahanin ang nakaraan, ang masasayang sandali niya at ng kanyang Tatay, pero mananatiling ala-ala na lang ang lahat.

Binisita din nya ang kanyang kababata at mga kapit-bahay

Nagtatanong si Marco tungkol sa nangyari sa kanyang ama, ang tanging sinabi lang nila ay pinatay daw eto ng mga rebelde.

Bakit pinatay nila ang Tatay nya? Nag-iisip siya kung pano mabigyang hustisya ang kamatayan ng Tatay nya.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon