Chapter 4

100 2 0
                                    

“ Aalis daw si Marco, papasok sa military, nagpaalam sakin kanina. May sinabi ba sya sayo? May binanggit ka ba sa kanya tungkol sa military?”

Tanong ng nanay ni Marco sa asawa nya.

“Wala, wala akong sinabi sa kanya, bakit daw? Bakit magsusundalo sya, tinutulan mo sana,pano na tayo nyan ngayon, hindi pwedeng magsundalo si Marco, hindi pwedeng iiwan tayo ng anak natin. Pigilan mo sya, sabihin mong maysakit ako, kailangan ko ng kasama sa pag-aalaga ng taniman natin. Okay naman ang buhay natin dito, bakit magsusundalo pa sya? Hindi maari……!

Habang nag-eempake ng damit si Marco ay may nakita syang isang panyo na nakalagay sa ilalim ng cabinet, may simbolo eto. Ano kaya eto? Tanong nya sa sarili. Bakit meron ako nito? San ba eto galing? Dali-dali nyang itinago habang papasok sa kanyang kwarto ang kanyang nanay.

Marco, anak…sabi ng Tatay mo hindi ka pwedeng magsundalo, maysakit ang Tatay mo anak, kailangan ka namin dito, alam mo naman na apat lang tayo sa bahay, at aalis ka pa, pano na kami ng tatay mo,pano na kami ng kapatid mo?

Nay, buo na po ang desisyon ko, magsusundalo po ako, sa ayaw at gusto nyo,alam nyo naman dati na gusto kong pasukin ang propesyon na yan, noong may tv pa tayo, yan palage na ang pinapanood ko, pero bakit ayaw nyo nay? May tinatago ba kayo sakin? May dapat ba akong malaman?

Wala anak, kung buo na talaga ang desisyon mo, sige, wala na akong magagawa, pero pag sundalo ka na,wag kang magpaasign sa Mindanao ha, mahal na mahal ka naming ng Tatay mo….palage mo sanang tandaan yan…”

Naluluhang sinasabi ng nanay nya.

“Opo Nay, alam nyo din naman na mahal na mahal ko kayo, kayo ni Tatay, kayo ang inspirasyon ko, kaya ako magsusundalo. Sana maintindihan nyo po ako. Mahal na mahal kita nay, payakap nga….

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon