Mag-iisang taon na si Marco sa Basilan, ni hindi nya namalayan ang bilis-bilis nga araw, madami silang napagtagumpayan na Operation, at namatayan na din sila ng katropa.
Halos hindi na niya makilala ang sarili, ang haba na ng bigote nya, at humaba na din ang buhok nya. Hindi na siya yung batang mukhang inosente, sa bawat hibla ng buhok nya ay may isang pangyayaring nakaukit sa kanyang ala-ala, mga pangyayaring humubog sa kanyang pagkatao.
“Bang…!! Hahaha ,natakot.!! Saging lang to, kain tayo..yan…
Ano ching, seryoso ka palage dyan ah, ano ba yang hawak mo? Patingin nga….
Mabilisang hablot ni Leon sa hawak nya.
Hahaha, papel, anong meron sa papel? Ching….
Minsan, hindi kita naiintindihan, masyado kang seryoso…tara baba tayo sa bayan, bababa daw ang isang KM at sila sir Breguera, sabay tayo ching, para naman Makita natin ang hitsura ng siyudad ngayon, hindi yung puro kahoy at talahib. Malay mo dun ko pala makikita ang babaeng makakapasuko sa puso ko.Hehe
Ayoko, kayo lang”…
KJ ka naman eh, tara na….ching….!!
Ayoko sabi……galit na sagot ni Marco…. Kayo na lang…Magpapaiwan ako dito..
Ayaw na nga..oo ,yun naman sabi ko….ayaw na…ayaw….
Humakbang palayo si Leon….at naiwang mag-isa si Marco sa loob ng bunkhouse nila. Malayo ang kanyang tingin ng may nakita siyang isang ibon,bigla siyang kinutuban ng masama.