Chapter 14

51 1 0
                                    

“Welcome Davao” masayang sigaw ni Leon, magkakasama pa rin sila sa kanilang ibang assignment. Ang bilis ng panahon, nakalimang taon na silang palipat-lipat sa Basilan, Sulu at Tawi2x, Ngayon, sa Southern Mindanao na naman ang kanilang destinasyon.

Masaya silang bumaba sa barko ng Navy kasama ang bagong graduate na Scout Rangers. Dumaan muna sila sa Camp Panacan para sa isang OPSEC briefing.

Ang ganda pala ng Davao City, nasabi nya sa sarili. Malinis eto at madaming nagtataasan na building.

Nagpaalam sila na gumala muna sandali habang hindi pa dumating ang sasakyan nilang galing Compostella Valley. Yan ang susunod na assignment nila.

Pumunta sila sa Gaisano Mall, kumain sa mamahaling restaurant,namili ng mga bagong damit at bumili ng ibang gagamitin nila sa kampo.

Masayang pabalik sina Leon at Marco sa Camp Panacan.

Habang nag-uusap sila sa jeep ay may babaeng nakatingin kay Marco.

Ching, kanina pa yang babae, titig ng titig sayo.hahaha, type ka ata. Sabi ni Leon

Tumigil ka nga dyan, sinulyapan nya ang babae, halatang estudyante eto, nakasuot ng unipormeng puro puti at sa pagkakalam nya isa etong nursing student.

Lumingon sya para hindi masyadong halata na nakatingin din sya sa babae.

Tinawanan ni Leon si Marco sabay dilat sa mata na nakalabas ang dila.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon