Chapter 22

73 2 0
                                    

Lumabas sa media ang nangyari kay Marco at sa kabayanihan nya, pati sa pahayagan ay nnakaimprinta ang pangyayaring iyon.

Nakikipag-usap si Marco sa kanilang opisyal at sinabi niya lahat ng kanyang nalalaman, gusto nyang maging maayos ang gawin nilang operation sa kabundukan.

Ang pagkahuli ng Tatay nya..!, pero iniinsist ng mga nakakataas sa kanya, na hindi nila maipapangako kay Marco na mabubuhay pa ang tatay nya.

Lumusob ang isang squad ng Scout Ranger kasama ang ilang opisyal.

Tanging ipinagdasal ni Marco ay makausap ang kanyang ama, hanggat hindi pa eto nahuhuli. Kinuha nya ang panyong pula na nakatago sa bulsa ng BDA nya.

Eto na ang araw ng pagkikita nila, kung may mabubuhay man sa kanilang dalawa.

Habang naglalakad sila papunta sa kampo ng ay bigla silang napahinto.

May isang lalakeng pababa at itinaas ang kamay habang papalapit sa kanilang kinapaparoonan, nakita ni Marco na payat na payat na eto, puti na ang buhok at matanda na. May sumunod na dalawampung lalake na nakataas din ang mga kamay. Sumuko ang tatay nya, isinuko nito ang pinaglalaban nila.

Napaluha si Marco sa kanyang nakita,. Dali-daling senicure ng tropa ng mga Scout Rangers ang area, bitbit nila ang mga baril, bala, landmine at iba pang kagamitan pandigma.

Dinala sa kampo ang tatay ni Marco pati na ang iba nitong kasamahan.

Nilapitan nya ang Tatay nya at kinausap. 

Bakit hindi nyo ako binalikan Tay? Bakit hindi nyo ako hinanap nung panahong yun?

Madadamay lang kayo Don, alam ko na malaki ang kasalanan ko sa inyo, na dapat noong una pa ay sumuko na ako, pero natakot ako anak, natakot ako nab aka kapag sumuko ako ay patayin lang ako ng mga sundalo.

Hindi naman ganun ang mga sundalo Tay, may procedure kaming sinusunod.

Nasaan sila nanay , Tay? Kasama nyo ba silang namundok?

Hindi anak…

Nakuha sila ng mga sundalo noon, sumuko ang Nanay mo ng hindi na sya mahirapan, hindi na kami nag-uusap simula pa noon, dinala sila sa isang lugar ng AFP na puro rebel returnee ang naroon..

Hindi mo man lang ako hinanap tay? Pagkatapos ng ilang taon, hindi mo man lang ako hinanap? Tanong nya…

Hinanap kita anak, buong Pilipinas ,hinanap kita….pero walang sinuman ang nagsasabi sakin na buhay ka pa at nasaan kayo.

Mabilisang umalis sina Marco at si Leon at pinuntahan nila ang sinasabing secured place ng AFP. Doon nakita nya ang Nanay nya na matanda na, malalaki na din ang kanyang mga kapatid, maga-graduate na sa elementary ang bunso nila.May kaparid na din syang magteteacher. At masaya siyang nakikipagkuwentuhan sa mga eto. Alam nya sa sarili na secure na ang kanyang pamilya.

Dinala din sa isang secured place ng AFP ang Tatay ni Marco pati na ang mga kasamahan nito .

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon