Chapter 12

69 1 0
                                    

Napagtagumpayan nila Marco ang panghaharass sa kanilang kampo, hindi nakapasok ang kalaban at walang kahit isa ang nalagas sa kanila.

Lumipas ang ilang buwan, binigyan siya ng break ng kanilang C.O , uuwii siya sa kanila dala-dala ang mga karanasan niya sa Basilan. 

Bitbit ang mga nabili nyang pasalubong galing Mindanao, nagtatago siya sa likod-bahay nila, ng mabilisan nyang nilapitan ang Nanay nya na nagluluto.

Napasigaw ang Nanay nya sa tuwa.

Napaluha eto sabay yakap sa kanya….

Andito na po ako nay, miss na miss ko na kayo, nasan si Daisy? May pasalubong akong dala para sa inyo.

Pumunta sa bayan anak. Inutusan kong mamalengke.

Siya nga pala anak, may pumunta ditong babae, hinahanap ka. May binigay syang sobre.

Sino po nay? Sagot nya….

Eh nakalimutan kongitanong ang pangalan. Tingnan mo na lang dun sa cabinet mo, nandun ang sobre,itinago ni Daisy.

Ok nay,mamaya ko na lang tingnan. Sige, ako na po ang magluto, dun na lang kayo ,magpahinga na lang kayo, namiss ko din ang ipagluto kayo.

Hapon na ng dumating si Daisy, nasurprise siya sa kanyang nakita. Nabitawan nya ang kanyang bitbit na basket ng Makita nya ang kanyang kuya, napatakbo sya at niyakap ng mahigpit si Marco. 

Hindi kita nakilala kuya ah. Ang haba na ng buhok mo, tapos mabigote ka pa. Kamukha mo na si Tom Cruise kuya. Kundi dahil sa pilat mo sa noo kuya hindi kita makilala. Laki na ng muscle ah…Nakailang girlfriend ka na Kuya? 

Pabiro nyang tanong kay Marco.

“Wala nga kahit isa eh, pano ka magkakagirlfriend dun,na puro bundok, wala kang babaeng makikita,puro punong-kahoy. Oo nga pala Inay, nahuli na ba yung pumatay kay Tatay?

Biglang natahimik ang mag-ina.

Mamaya na natin pag-usapan yan anak, maghapunan na muna tayo.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon