Chapter 20

58 1 0
                                    

“ Dapa boc!!”

Mabilisang sigaw ni Ryan habang nagpapalitan ng putok ang magkalaban. Nasa gitna sila ng kakahuyan, mas madami ang kalaban kaysa tropa nila at napapalibutan na sila nito.

Ang dami nila boc, nasan naba yung iba nating kasama?

Mansanares, Villar, Dela Cruz, Mandrial? Nasan na kayo? Sigaw nya….

Ni isang sagot ay wala syang naririnig, habang nagdadasal sya ay may nakita syang agilang lumilipad sa himpapawid. Hindi pa ako mamamatay, yan ang paulit-ulit na sinasabi ni Marco sa kanyang sarili.

Hindi siya pwedeng matamaan ng bala, nakikipaglaban sila labang ang dalawampung armadong rebelde, habang umaatras sila at si Ryan, ay nakita na naman nya ang lalake sa kanyang panaginip, may pulang panyo na nakatali sa kanyang ulo bitbit ang isang machine gun. 

Saan nya nakita ang lalakeng eto?

Patuloy syang umaatras… naiiyak na din sya dahil hindi na nya makita ang iba nyang kasama, pagulong-gulong silang dalawa ni Ryan hanggang nahulog sila sa isang malaking sapa.

Familiar sa kanya ang lugar na eto? Parang nakapunta na sya dito dati, nasan na nga ba siya? 

Habang nakatanaw siya sa paligid ay may naalala syang parte ng kanyang nakaraan.

Tatay, sumama ka na lang sa amin, ayokong magkakahiwalay tayo, maawa ka naman sa amin, kahit mahirap lang tayo basta buo lang pamilya natin, sige na tay”

Tanging nasambit na mga salita ni Dondon.

“ Umalis na kayo, alagaan mo ang nanay mo ha, pati mga kapatid mo, maging matapang ka anak, tandaan nyo mahal na mahal ko kayo., Umalis na kayo.”

Dumating ang mga sundalo sa pinagtataguan nila, nagkakahiwalay ang mag-anak, ang tanging naririnig ni Dondon ang palitan ng putok sa di kalayuan ng kanilang pinagkukublihan. Tumatakbo sila palayo habang yakap2x niya ang kanyang nakakabatang kapatid. Hindi na nya mahagilap ang Nanay nya, tanging nakikita nya ay malalaking puno at mga matataas na damo, takbo sya ng takbo hanggang sa matigil siya sa isang sapa.

Hindi nya napansin, na dumudugo na ang paa nya dahil natusok eto ng kahoy , pansamantala silang nagpapahinga sa sapa kasama ang kanyang nakakabatang kapatid, na parang wala etong alam sa nangyari.

“Kuya, gutom na ako, kanina pa tayo tumatakbo, gutom na gutom na ako” Nasan si Nanay at Tatay kuya? Bakit tayo lang dalawa ang nandito.?

Luha-luhang tanong ng kapatid nyang babae habang , pagod na nakaupo sa ibabaw ng bato.

Napaluha si Marco sa kanyang naalala....

Isa akong anak ng rebelde? Siya ang Tatay ko, siya na muntik ng makakapatay sakin? Hindi maari, isang bangungot lang ang lahat. Hindi eto totoo, nananaginip lang ako. 

HINDI….!!!!

Halos himatayin na sina Marco pagdating sa kampo,dalawa na lang sila ni Ryan na natira.Mabilisan silang dinala ng tropa sa pinakamalapit na hospital. Limang araw na nacomatose dsi Marco dahil sa tama nya sa balikat at dahil nun muntik na siyang maubusan ng dugo. Pagdilat nya nakita nya ang familiar na mukha, si Ashley, hinahawakan ang kamay nya, eto pala ang nagbabantay sa kanya habang tulog pa sya.

Anong nangyari sakin? Tanong nya kay Ashley

Nawounded ka nong nag-operate kayo, buti na lang at nakauwi ka pa ng kampo.

Ano?... sagot nya…

Sssshhhhhhh…Shhhhhhhh…. Wag ka ng magsalita, ang mahalaga buhay ka, mahal na mahal kita Marco, nong panahon na nag-ooperate kayo, halos mamatay na ako sa pag-alala sayo, matagal ko na sanang sabihin sayo pero palagay ko kasi noon hindi pa ako handa eh...naiiyak nitong sinasabi,

At niyakap nito si Marco.

Sya nga pala , nandyan ang Nanay mo at si Daisy.....

Anak, Marco…..ang pag-alalang nasabi ng Nanay nya.

Nay, may dapat kayong sabihin sakin… may dapat akong malaman….sabihin nyo na ang totoo sakin nay, maawa kayo sakin...nay, paluhang tanong ni Marco sa nanay nya…..

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon