Chapter 15

69 1 0
                                    

“ Sandali..!! Tigil muna…!! ..

Sigaw ni Marco…

LANDMINE..!!! Atras, atras…!!..

Sang-alaw, muntik na tayo dun ah… sabi ni Leon

Inalis nila ang landmine at sinecure ang lugar. Dinala eto pabalik sa detachment ng kanilang sarhento at ginawan ng report.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa dumating sila sa isang bulubunduking lugar. Nagpapahinga at gumawa ng pansamantala nilang kampo. Kanya-kanyang tali ng duyan sa mga lilim ng puno. May nagbabantay habang nagpapahinga sila.

Napaidlip si Marco sa duyan nya, at bigla etong napasigaw, nananaginip na naman sya, pabalik-balik ang kanyang panaginip na hindi nya mawari kung anong ibig sabihin, nakita na naman nya ang isang ibon na lumipad sa kalawakan, isang agila.

Dali-daling nagsuot ng combat si Marco at sinabihan nya ang tropa na maghanda dahil baka may hindi magandang mangyari, mabilisang silang nag-ayos ng mga gamit at nagsitaguan

May isang grupo ng kalalakihan ang dumaan, may dala-dala etong sako-sakong bigas, kaldero at mga grocery. Nagkakantyawan eto habang palayo sa kanilang pinagtataguan. Ng makalayo na ay nagsilabasan na sila, walang isang nagpaputok sa kanila dahil wala naman silang nakitang dala-dalang baril ang mga eto.

Nagsitayuan sila ng may natumba, natamaan ang isa nyang kasama sa ulo. Dali-dali nila etong dinala malapit sa gilid ng puno. Sa di kalayuan ay di kulang 30 na armadong lalake at papunta sa pinagkukublihan nila, samantalang walo lang sila.

“Walang tumayo, dapa…dapa…ihanda nyo ang inyong mga baril.” Sabi ng kasama nilang Opisyal.

Velez, hanapin mo yung Sniper ng kalaban. Bilis.

Opo sir… sagot nya…

Akmang babaril na naman sana ang Sniper ng kalaban ng maunahan eto ni Marco, sapul sa mata. May isa na namang nagpaputok sa di kalayuan..pero nasapul din nya. Bulagta.!!

Dapa..!! sabi nya…habang papalapit ang kalaban ay nagsitaguan na silang lahat, nakahanda na ang K3 Machine gun, M203 at mga hand grenades.

Nagpapalitan na ng putok ng may nakita si Marco sa di kalayuan, isang pamilyar na mukha na hindi nya maisip kung san nya nakita.

Tumigil ang putukan at umatras ang kalaban. Nagsitakbuhan eto palayo, nagclearing sila sa area at labindalawang bangkay ang nakita nila.

Bumalik sila sa base bitbit ang kasama nilang wounded na nadaplisan sa ulo at ang mga bangkay sa nasawing rebelde.

Binigyan ng parangal ang team ni Marco sa pangyayaring iyon. Napromote ang ilang Opisyal, at ang buo nyang tropa.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon