Chapter 5

105 2 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan graduate na si Marco sa training nya, isa na syang ganap na sundalo, hinahanap nya ang nanay at tatay nya habang patapos na ang programa. Pero ni anino nito ay wala syang nakita, tumingin na naman sya sa gawing likuran, wala talaga, kahit si Daisy ay hindi nya nakita.

Napapaisip sya, ano kayang nangyari sa nanay at tatay nya, bakit hindi sila pumunta sa graduation nya.

“ Ching , may sulat pala para sayo, padala daw yan ng Nanay mo.”

Dear Marco,

Anak, kumusta ka na? Masaya ako dahil sa wakas sundalo ka na. Matagal na din tayong hindi nagkita, kailan ka makakauwi dito sa atin anak? Miss na miss ka na namin, gustuhin ko man na pumunta dyan pero hindi puwede, maysakit na kasi ako ngayon anak, mahihirapan akong magbiyahe, alam mo naman etong atin, nasa bundok tayo.

Siya nga pala, si Daisy, hindi na muna sya makakapag-aral, pansamantala muna syang hihinto, wala kasi akong maging katuwang pag wala na sya dito.

Wag ka sanang mabibigla anak, wala na ang tatay mo, iniwan na nya tayo. Hindi ko nasabi sayo kasi ayokong mag-alala ka, sabi mo kasi bawal dyan at hindi kayo makakalabas. May pumunta kasi dito sa bahay, kinuha yung mga alaga nating hayop, pati yung nakaimbak nating bigas, binitbit nila lahat, nanlaban ang Tatay mo anak, at binaril sya, wala kaming nagawa ni Daisy, sinunog din nila ang imbakan natin ng palay.

Hindi nakaya ng Tatay mo anak, wala na ang Tatay mo.

Pasensya ka na ha, ngayon ko lang nasabi sayo, tandaan mo mahal na mahal ka namin. Mag-iingat ka palage Marco. 

Naluluhang pinunit ni Marco ang sulat ng nanay nya, nagagalit sya, naiinis siya sa kanyang sarili bakit nangyari sa kanila yun. Hanggang sa nagpaalam sya sa C.O nila na uuwi muna sya sa kanila para bisitahin ang pamilya nya. Pero mabilisan nitong sinabi na hindi puwede.! Ipapadala na sila sa Mindanao.At wala na syang magagawa.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon