Chapter 6

85 2 0
                                    

Madaling araw ng dumating sa Basilan ang tropa ni Marco, kasama sya sa isang platoon para sa isang Special Operation. At sila ang unang team para magconduct ng rescue operation. Habang hawak-hawak nya ang isang larawan ng kanyang magulang, napagbuntong-hininga si Marco, iniisip nya, ganito na ang buhay nya. Malayo sa pamilya at tanging kasama nya ay tropa, na halos magkamukha na sila.

“ Andito na tayo ching, wala ng atrasan eto, buwis-buhay na to, lets rock n roll ching”

Pabirong sinabi ng katropa nya.

“ OO nga ching eh, san daw ang unang destination natin ching?”

Hindi ko pa alam ching eh , pero ang sabi sa Lamitan daw tayo, sa pagkakaalam ko ching madaming parak dun, balwarte yung ng mga Abu Sayaf. May hawak silang hostage ngayon, isang anak ng sikat at mayamang negosyante, sa pagkakaalam ko, journalist daw nahostage.

“Ah ganun ba ching? Mayaman naman pala kaya nakidnap, ganun talaga ang buhay, minsan mas pinapahalagahan ng tao ang pera kaysa pamilya, bakit naman kasi hinayaan pa nila na pupunta dito ang anak nila?”

Hindi ko din alam ching eh, sagot ni Leon, tropa ni Marco na isa ding Scout Ranger.

Kinakabahan ako ching, makakauwi pa kaya tayo nito ching? Dagdag ni Leon.

Ano ka ba? Pusang-alaw, eh kung natatakot ka pala, nagsundalo ka pa, umuwi ka na lang sa inyo at magtanim ng kamote.! Wala ka palang bayag ching eh. Pabirong sabi ni Marco.

Hindi ka naman mabiro ching, wala yun…first time to ching, tandaan mo first time to, parang manindig na balahibo ko ching kahit nandito pa tayo sa base.

Goddamnit ching, bilangin mo na lang yang uban mo…haha… malakas na tawa ni Marco habang nakatingala sa kalangitan at nakasakay sa duyan nya.

Mata ng AgilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon