CHAPTER 1

19.9K 227 8
                                    

BTW guys, this is my first Filipino WATTPAD entry, kindly leave your comments and give me feedbacks!

Don't worry guys, I'll notify if mejo SPG na. Okay? Enjoy!

VOTE.SHARE.LIKE

=-=-=-=-=-=-

“Asa ka!” Sigaw ko kay Alyssa nang bigla niyang sinabi na nandyan pala si Robert. Si Robert lang naman and title holder ng ‘Math Olympiad sa buong University. Walang makakatalo sa kanya.

“Sige na, lapitan mo na. Walang masama Althea kung babawasan mo yung pagka frigid-minded mo ha! Haay naku ka. 'Yan na ba ang dulot ng Engineering sa’yo ha. Nababaliw ka na din katulad ni kuya Christian noong kukuha sila ng board exams ni kuya Andrei, nakakabaliw.” Sabay biglang tawa ko sa reaksyon niya.

“Schematic diagram yun. Tara na nga sa canteen. Minsan na nga lang kita makasabay puro ka pa kabaliwan. Stop it please. I am happy with my course. Isang taon na lang, magrereview na ako for board exam. Kaasar naman kasi si Robert, malay ko bang Civil Engineering kukuhanin niya, akala ko pa naman ECE!” Biglang may mga babaeng estudyanteng naktakbuhan sa gawing kaliwa.

“Althea, papunta sila sa faculty ng Engineering Department.” Napalingon tuloy ako sa bintana. Sino naman ang hinahabol ng mga ito? Is there a new College professor? Pero hindi dapat tiponh akala mo may rasyon ng NFA. Where's the etiquette? Losers. 

“Baka may bagong prof Aly. Tara na, nagugutom ako. Wag mo na tingnan, malalaman ko din yan kala Mike at Joseph sa Thermodynamics subject namin.” Sabay hatak sa kanya patungong canteen.

Grabe na ang gutom ko. Pinuyat na naman ako ng lintik na Rotring .5 lettering guide ko. Take note, 20 pages at for three days lang. Kamusta naman ung subjects naming iba, lalo na yung mga related sa major. Napakamot na lang ako ng ulo haba ng nakapila.

“Ang haba naman ng pila ngayon? May rasyon ba ng NFA dito?” Inis na inis kong sabi kay Alyssa habang nagtetext siya sa boyfriend niya. I am freaking envious of her, lahat ng friends naming may mga boyfriend na. Bansag nila sa akin lagi tomboy ako or maybe I'm a lesbian and just afraid to come out of my closet like wtf?

Paano ba naman ako magkakaboyfriend? Nahawa ako sa mga tukmol kong mga kaklase. Pati paraan ng pagkain, pagtawa, pananamit, at pananalita nahawa ako. Fuck right? Instant tomboy na ako sa paningin ng lahat. Minsan nga nagugulat yung mga prof tuwing mayroll call ng attendance na may babae palang matibay na natira hanggang 4th year.

Aba, matalino naman ako.Lahi kami ng mga titulado. Doctor ang mom and dad ko while my two brothers are both ECE. Ako nga daw ang prinsesa ng pamilya pero naging little prince ako. Kahit mahaba ang buhok ko, tomboy pa rin ang tingin nila. Alangan namang magpalda ako eh puro lalaki mga kaklase ko? Ang hirap ding magsuot ng flat shoes at sandals! I get blisters from them and I hate it!

 “Alyssa, labas na lang tayo, grabeng haba ng pila. Tara sa fastfood tayo. Libre ko promise. May two hours pa naman tayo eh. Tara na please?” Sabay hatak ko kay Alyssa nang biglang may malaking tao ang bumunggo sa akin at napaupo ako sa sahig.

“Crap, ang sakit ng likod ko.” Sabay hilot sa likod ko.

“Sorry miss.” Sabay biglang akay sa braso ko.

Fuck.

Siya na yata ang pinakagwapong nilalang na nakita ko sa buong buhay ko. Makalaglag panty, este makalaglag panga. Yung buhok niyang clean cut, yung katawan niyang toned, yung height niyang mala basketball player at ang ilong niyang pagkatangos!

Shit, lumalambot ba ako? No! Hindi yun pwede. Walang nakakapagpalambot kay Althea Falcon. Binawi ko ang braso ko sa kanya at nagmukhang seryoso.

“Next time, you look where you’re going, especially when you almost knocked a girl out.” Sabay kuha ng bag kong nahulog sa sahig.

TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon