Sorry for late updates! Nag-out of town kami at ngayon ko lang ulit nahawakan ang holy laptop ko. Haha. Anyways, enjoy this next chapter and stay tuned.
VOTE.LIKE.SHARE.COMMENT
LOVELOTS, Angela/ellalures
=-=-=-=-=-=-
Althea Marie? Bakit nakabikini siya sa loob ng manipis na shirt na yun! Naibuga ko lang naman ang iniinom kong soda in can sa gulat na may sexy-ng tumatakbo palabas ng hotel. Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi ko nagugustuhan.
I need to follow her, baka mapano siya. Mahirap na baka mabastos eh ako ang nakaassign sa year level nila. Should I?
Ang first day kasi, hahayaan lang ang mga estudyante mag-aliw-aliw sa paligid. Magiging awkward kung bigla akong susulpot sa pupuntahan nila ng barkada niya, pero! Nakasuot siya nung bikini na yun! Di ko maexplain ang nararamdaman ko. Ayokong may makakita na iba sa kanya na nakasuot ng sexy, kahit pa si Mike at Joseph pa.
Nagseselos ba ako? Protective instinct lang siguro kasi ako ang held liable. Pero… on the other hand, gusto ko din naman ang nakikita ko.
Lalaki ako kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. Tama, namimiss ko lang ang girlfriend ko.
In the end, I followed her.
=-=-=-=-=-=-
“Ate tatlong boards nga for us, and here tumatanggap ba kayo ng Debit card?” Then the girl smiled and handed me the receipt.
“Thanks Miss.” And kinuha na namin yung mga boards.
“Thea, sasapakin ko na yung mukhang foreigner na tumitingin sayo. Kanina pa eh. Di na siya natakot eh 6’2” ako?!” Nababadtrip na si Mike sa lalaking kanina pa ako sinusundan. Gusto ko na talaga lapitan eh, di na natakot sa sa malalaking lalaki na kasama ko.
“Mike, let him be. Kasalanan ko ba kung maganda lang talaga ako? Feeling niya papatulan ko? Ang cheap niya kaya. Yung mga tipong kaya kong bilhin ng cash. Haay, wag na natin pansinin.” Aba, papalapit na siya. Hinarap ko na lang at pinigilan ko si Mike.
“What the hell are you doing? You keep on following us.” Then he smiled in a very warm way. He doesn’t look like yung mga bastos na lalaki.
“Sorry, I want to say hi sana sayo. Ms. Falcon, second year ako. Pareho tayo ng course, siguro di mo lang ako napapansin. By the way I’m Matthew Kohl.” Ah, so second year pala siya.
“Ganun ba? Sorry ha. Akala ko you’re trying to hit on me.” Then I smiled at him at medyo nagblush siya. Hala, may crush sa akin to, obvious niya.
“Aamin ako, may crush kasi ako sayo simula pa lang nung first year ako. Sorry kung iba yung inisip mo kanina nung medyo sinundan ko kayo ng mga kaklase mo. Sorry nga pala mga pare.” Then he did a manly hug kala Joseph and Mike.
“Ah, sabay na tayo magmeryenda. Libre ko, kahit ngayong school trip lang kita makasama.” Huh? Nagblush ako, obvious naman.
“Ah… kasi…” Then he cut me.
“Alam kong NBSB ka. Don’t worry friendly date lang naman eh. I will not do anything to harm the next Magna Cum Laude.” I can see sincerity in his eyes.
“Ah, sige na nga mukha ka namang harmless eh. By the way, san mo ba gustong pumunta?” Then he blushed, na para bang nahihiya siya sa tanong ko.
“Sa… may seafood restaurant sa tabi ng beach kung okay lang sayo. They serve fresh clams and prawns. I love seafoods kasi, baka lang gusto mong kumain?” Then I smile at him. I admit natutuwa ako sa kanya. He looks really sincere and shy. I’m fascinated by his innocence.
BINABASA MO ANG
TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)
Storie d'amore(Falcon series #1) When someone removed you out of your comfort zone, what will you do? Paano kung inaakala mong cheesy romance eh sayo pala mangyari? What if that person is in the character of your annoying and sexy College professor, papatali ka b...