SPECIAL CHAPTER #3 ( His stalking tendencies)

4.1K 66 1
                                    

Hi guys, please check out ny newly made spotify account 'ellalures' kasi bagay sa pagbabasa ng wattpad ang nasa 'feels'playlist ko. Check it out, kasi nakabase lahat ng feelings ko habang sinusulat ko lahat ng makabasag-pusong mga eksena sa mga stories ko. BTW, favorite ko pala ung:

The Scientist by Coldplay

Transatlanticism by Death cab for Cutie

All our endless love by The Bird and the Bee

I am a huge fan of indie, electronica, rock and alternative music so malamig ang dating ng music sa playlist ko. I promise, you will love all the songs I personally chose.

Stay beautiful,

ellalures

-=-=-=-=-=-=

She never had a boyfriend. How did she manage to do that while all girls her age die to have one? She's kinda weird and I hate that I am curious about this student of mine. She isn't the type to pay attention to guys.

Ayoko namang gabi-gabi akong nakatitig sa maganda niyang picture sa Facebook. Nakakasilaw ang inosente niyang ngiti. Ang ganda niya sa Facebook at instagram account niya. She's very alive and youthful. Tama bang magkagusto ako sa kanya?

This is not about tasting the forbidden fruit. Hindi naman ako adventure-seeking na tao. She simply melted me. Hindi naman ako pedophile kasi Twenty naman na siya at nine years lang naman ang gap namin.

Althea Marie Falcon

1 hour ago

I'm so stressed! listening to How long will I love you-  Ellie Goulding

Like. Comment. Share

Ano naman kaya ang problema niya? Perfect nga siya palagi sa exams eh. Arggh! Anak ng pucha nakakahiya talaga ako.

Hindi ko maisara ang lid ng laptop ko. Nakatingin lang kasi ako sa mukha niyang nakangiti habang sunog sa arawan. She's happy.

I wonder if I can make her happy.

Makakangiti rin ba siya kung ako ang kasama niya? Will she submit to me? Hindi naman kaya pandirihan niya ako? I wonder how this setup will be. Nakakatakot ang mga pwedeng mangyari.

One picture caught my attention.

She's wearing a white sun dress. Sobrang ganda talaga niya. I felt my heart twitch. How can she look so cool, alive and charming at the same time? How can she make my heart feel this way?

Tama bang... ipagpatuloy ko ito at kalimutan na lang?

*ding*

Althea Marie: Sir di ka dw ngrrply ky kuya drei

Althea Marie: OMG...  SEENZONED AKO?! hoy! Hinahanap ka ni kuya!

Althea Marie: Aba!

Althea Marie is typing...

Althea Marie: Ah baka tulog ka na sir. Sige sorry na ho tanda. :)

Offline

What the eff did just happen?? Hindi ako nakareply dahil tulala ako! Kanina ko pa yata iniisip na sana maalala niyang imessage ako. Nanaginip na yata ako. Nagdidiliryo na rin yata.

Totoo nga. May smiley pa ang message niya.

-=-=-=-=-=-=

Nakangiti siyang nakikipag-usap sa estudyante kong si Eugene habang gumagawa ng group work sa Thermodynamics. Nakatali ang buhok niya at kita ko ang iilang hibla na nahuhulog sa batok niya.

Ayokong mademonyo.

"Sir, tapos na!" Nakangiting sabi ni Althea Marie habang iniaabot sa akin ang papel niyang fifteen minutes lang sinagutan. She's really smart.

"Ikaw na ang matalino." Sagot ko sa kanya. Nakasuot siya ng faded blue na skinny jeans , white v-neck shirt at dark blue leather jacket. Bakit ba ang ganda ng porma niya ngayon?

"Of course." Then she winked at me at bumalik sa kinauupuan niya habang hinihintay ni Eugene. May pinapakita ito sa phone niya at natawa siya. Nakakapangselos talaga.

"Hephep! Bawal iyan dito. Kapag tayo nahuli dyan, pare-pareho tayong malilintikan eh." Pagdadahilan ko na lang para hindi na sila mag-usap ni Eugene. Tumango lang si Eugene at bumalik sa pakikipagdaldalan kay Althea Marie.

May pinag-uusapan silang mga klase ng gitara na halatang nae-enjoy ni Althea Marie. Aba, kanina pang nakangiti si Eugene kay Althea Marie ah. Sabagay ako nga hindi magsasawang tumingin sa mukha niyang maganda.

Hanggang saway na lang ako.

Hanggang tingin na lang ako.

TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon