CHAPTER 30

6.1K 112 1
                                    

“M-migs, please naman. Nahihiya ako sa ginagawa mo nito. B-baka pagchismisan tayong dalawa kasi masyado kang… possessive.” He looked at me straight in the eyes, pero hindi siya nagsasalita. I looked away pero I can feel his heavy stare.

“I’m just being territorial, Althea Marie. Naiinis ako kasi nag-iisa kang babae sa unit na ‘to at lalo akong mababaliw kung titigan ka lang ng mga yan.” Gusto kong matawa sa pinaggagagawa niya. He's too jealous at minsan natatawa na lang talaga ako kasi kay laking tao eh kung makapagselos parang babae.

“Titingnan nila talaga ako kasi magkakatrabaho kami at normal lang iyo Migs. Please doon na ako sa tabi ni Mike, hindi kasi ‘to normal. Baka malaman nila kuya at… malintikan ako.” He pouted and I smiled at him at mukhang nagets naman niya agad ang gusto kong iparating.

“Patayin na ako ng mga kuya mo, pero wala pa rin akong pakialam. I want you and you want me. Akala mo ba susuko na lang ako? I’m building my world around you and I’m not changing that. I need you beside me, and I’d die if you’re not there.” I pinched his nose and he just giggled. Para talaga siyang bata kumilos.

I’m speechless. Ginagawa na naman niya ito; ang paibigin ako nang sobra-sobra. Dalawang buwan siyang nawala at bumalik siyang parang walang nangyari. Bakit niya ba kasi ito ginagawa? Ang sakit naman isipin na ganito pala ang pakiramdam ng bawal na relasyon. Technically, hindi na kami bawal kasi nga di naman na ako estudyante at pareho na kaming engineers. Pareho na kami ng level.

My brothers hate this type of man, pero I love everything about him. They always tell me how dangerous it is to fall in love with his type. Sasaktan lang daw ako at paaasahin. Dapatd daw katulad ko ang hanapin ko. Iniisip ko pa lang na mag-aaway sila, nalulungkot na agad ako. Ayokong nag-aaway sila. Ayokong masira ko ang friendship ng barkada nila.

“Paano tayo? Chismis ito.” Then biglang nanliit ang mga mata niya kaya naman natawa ako at tumawa na rin siya.

“Chismis? Eh mag-asawa nga yung nasa unit 13 tapos chismis? Takot ka lang sa mga kuya mo. Please, kahit naman ngayon lang, risk everything for me. Tell me, do you love me?” Kung alam mo lang talaga. I'm willing to sell my soul for him. Ganun ko siya kamahal. I'm willing to die for him. Sobra. Sobra-sobra ko siyang mahal. Basta, sagad sa buto.

“Y-yes.”

“Then risk. Risk everything to make us work. Kailangan natin itong gawin para malaman kung may pag-asa ba, kung we are worth fighting for. Kasi ako, mababaliw na ako kakaisip sa mga araw na di ka akin. Pakiramdam ko, may kukuha sayo at ikababaliw ko yun lalo.” I held his hand secretly and looked at him.

“L-let’s try, Migs. I believe… you are worth fighting for. I know, we are going to work. I’m willing to risk everything just for you, because I know, you’re worth it.” He just smiled and I know the warmth of his face is all I need. Alam kong ngiti niya lang, pwede na akong magpaparty. Basta.

“I know. I’m worth it, because without you, I’m worthless.”

=-=-=-=-=-=-

“Kamusta naman ang first day mo princess? Pinahirapan ka ba ni Migs?”

“Hi-hindi naman kuya.”

“Buti naman. Masaya akong malaman na magkasama kayo, at least kakilala mo na siya dati pa. By the way, di ako uuwi sa bahay. Doon ako sa condo kasi marami akong trabaho. Tell Chris to go home by himself. Ang tamad-tamad magmaneho.”

“Okay kuya. Wait so paano 'yung dinner na sinabi ni mommy? Malulungkot siya kasi kulang tayo sa bahay.”

“Sweetie, may trabaho ako di ko pa natatapos. Mom will understand kaya nga ayain mo na yung kuya mong tamad, okay? Tell him go drive by himself at wag mo siyang isasabay sa sasakyan mo, ha? Ang tamad-tamad ng kuya mo.”

TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon