Hinanap ko si Althea Marie sa bahay nila, pero kahit sila hindi alam kung nasaan siya. Wala naman kaming napag-awayan at kahit ang parents niya alam na walang problema sa relasyon namin. Alam din ng kambal na wala akong kasalanan sa nangyari, pero bakit sa dibdib ko may nagsasabing may kasalanan ako?
Yung huling mga salitang sinabi niya sa akin, parang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko? Bakit parang nagpapaalam siya sa akin? Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Hindi siya umuwi kagabi, at kasama niya ang kanyang SUV. Yung cellphone naman niya, out of coverage area.
Nasaan na kaya si Althea Marie? Paano na lang kung may masamang nangyari sa kanya kasi ang gago ko? I hurt the woman I love. Bakit nga ba siya nasasaktan? Sana alam ko para maipaliwanag sa kanya ang mga bagay-bagay at mabawasan ang paghihirap niya. Ayokong ganito siya. Ayokong nahihirapan siya. Ayokong umiiyak siya. Gusto ko nakangiti lang siya.
"Wala naman po kaming pinag-awayan. Hindi ko po alam kung nasaan siya. Anong gagawin ko pag may nangyari sa kanya? Mamatay ako mommy." Yakap-yakap ako ng mommy ko habang umiiyak sa kwarto. Wala pa akong balita sa mga pulis kasi naman dapat 24 hours siyang nawawala, eh wala pa naman halos 15 hours simula ng maghiwalay kami nang mag-uwian.
"Maybe she just went somewhere. Magdasal lang tayo, malay mo nasa paligid lang pala siya. Let's just pray for the best. Hindi man natin alam kung nasaan siya, ipagdasal na lang natin na sana safe siya."
"Ma, di siya sumasagot. I posted her plate number baka may makakita kasi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Wala naman kasi kaming napag-awayan. Pero... napansin kong halos dalawang araw kaming di nagtawagan at nag-usap."
Oh sh*t. Nalaman niya siguro ang tungkol kay Samantha. Nakita niya ba kami? O baka naman nakita niya ang Facebook account ni Samantha.
Pinag-awayan namin kagabi ang pagpopost niya ng pictures ko sa account niya. Nagalit ako dahil wala siyang karapatan magpost na para bang kami pa rin. Oo, nasaktan ko siya, pero wala na kami at pag-aari na ako ni Althea Marie.
"Ma, nalaman niya siguro ang tungkol kay Samantha. Maybe she thought I reconciled with Samantha. She got this huge insecurity kasi. Mahal na mahal niya ako at lagi niyang sinasabi na si Samantha lang ang bagay sa akin. To hell with those allegations because I love her too much I can't breathe without her. Kung alam mo lang ma na sobrang mahal na mahal ko siya. Sobra.
"Anong masama d'un? Baka naman hindi mo kasi nasabi na magkikta kayo ni Samantha. Iba kasi kapag nagselos ang mas batang babae. Feeling nila kulang sila. That's the disadvantage of falling in love with older men. Mas maraming insecurities sa katawan.Your dad is six years older than me at noon feeling ko pinaglalaruan niya lang ako, na hahanap siya ng kaedad niyang seryoso sa buhay, pero look at us, we love each other the most."
"Pakiramdam ko nagselos siya eh. Hindi ko alam pero masama talaga ang kutob ko dito. My instinct is telling me that there's something wrong."
"Anak, we need to find out first kung yun nga ang dahilan kung bakit siyang umalis. Don't be paranoid. Just pray hard, okay?"
"Yes. I'm praying my hardest right now, ma. Bakit ba naman kasi di ako nakapag-explain agad. Naiinis ako sa sarili ko ng sobra kasi di ako nakapag-explain. Paano kung may nangyari nap ala sa kanya kasi sobra siyang nadepress? Ma hindi ko kaya."
BINABASA MO ANG
TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)
Roman d'amour(Falcon series #1) When someone removed you out of your comfort zone, what will you do? Paano kung inaakala mong cheesy romance eh sayo pala mangyari? What if that person is in the character of your annoying and sexy College professor, papatali ka b...