We sat on an empty bench habang kumakain ng ice cream. Akala kasi ni Althea Marie nainis ako sa kanya nung miminsang halos mamiss na niya yung Family day ng five-year old son namin. Yung anak namin mukha ng gusgusin sa kinakain niyang Chocolate ice cream.
“Sorry talaga. Napadami ang Gawain sa unit ko Migs. Di ko natantya ang oras eh. Sorry na Migs. Smile ka na. Wag na sad please.” She pouted na nagpapacute pa. Pasalamat ka mahal na mahal kita dyan. Kaya yung ice cream na nasa tabi ng bibig niya eh dinilaan ko.
“Migs! Nandito ang bata!”
“Eh bakit ba, tinatanggal ko lang yung dumi. Tsaka masarap eh, bakit ba?”
“Ah basta. Wag mo na uulitin yan. Magagalit ako talaga sayo.”
“Althea Marie, wag ka ngang KJ dyan. Para yun lang eh ang damot mo naman.”
“Migs naman kasi, SPG ang mga datingan mo.”
“Eh. Basta, mamaya gagawa tayo ng kapatid ni Gabriel, or else… hmmm.” Tingnan ko siya ng sexy at tumawa lang siya ng malakas.
“Alam mo ba, na simula nung nagpakasal tayo di na effective yang pang-aakit mo, so stop it. By the way Migs, ikaw ang magluluto mamaya sa bahay. I miss your dishes.” Nagpout pa ang sweetie pie ko and I kissed her on the lips.
“Sure babe. Basta mamaya ha, gagawa tayo ng kapatid niya! Kiss mo ko ulit.”
“Migs! Nakakadami ka na at nasa public place tayo. Behave.”
“Taray naman.”
“May sinasabi ka?” Wala. Oo na, ako na ang under.
“Wala naman sweetie. Sige na punasan mo na kako yung mukha ng bata. Mukha na siyang choco monster parang nanay niya.”
Kinurot niya ako sa tagiliran kaya naman napasigaw ako sa sakit. Inirapan niya ako at malaman wala akong palag sa asawa ko. Tikom bibig na lang or else world war III ‘to at baka di pa kami magtabi sa kama.
“Isa pa talaga Migs na mang-inis ka wala na tayong sexy time kala mo dyan.” At umirap pa siya ulit. Ang ganda niya lalo pag nagagalit.
“Sorry na talaga. Tara na nga at umuwi na tayo para makagawa ng kapatid niya. Aba gusto ko ng maliit na version mo kasi ako meron na.”
“Oo na mamaya. Promise.” I just kissed her on the lips at umuwi na nga kami para gumawa ng kapatid ni panganay.
BINABASA MO ANG
TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)
Romance(Falcon series #1) When someone removed you out of your comfort zone, what will you do? Paano kung inaakala mong cheesy romance eh sayo pala mangyari? What if that person is in the character of your annoying and sexy College professor, papatali ka b...