CHAPTER 14

6.2K 102 0
                                    

Please do vote if you loved this chapter. I badly need botes para umakyat sa ranking ang TMUTABLA sa wattpad.

Thanks, and enjoy!

mwah!

XOXO, angela/ellalures

=-=-=-=-=-=-

Tumakbo ako pagkabukas ng mga ilaw. Mahirap na ang mahuli. Di ko alam bakit ko inagaw siyang bigla nung Makita kong mauunahan ako ni Matther Kohl. Di ko kayang makita na hinahawakan ng ibang lalaki o kahit sino pa. Pakiramdam ko makakapatay ako kanina.

I can’t let anyone see that vulnerable side of hers, mahirap na at baka may gawin pa ang mga yun sa kanya, ang kaso lang si Matthew yata ang ineexpect niyang kasama. Syempre basag nanaman ang ego… at feelings ko nito, palibhasa di naman niya maiisip na ako, na isang professor ang nagkakandarapa sa kanya.

Umakyat naman kasi bigla yung altapresyon ko nung ilang beses silang magkasama ngayong araw. Basta bago pa bumukas yung ilaw, nagbigay na ako ng corsace para lang masabi na may nakasayaw siya. Maissue pa kami mamaya pag nahuli akong nakikipagsayaw sa kanya.

Mahirap paliwanag, pero ang alam ko lang sa sarili ko… ay may gusto ako sa utol ng barkada ko at sa estudyante ko.

I need her.

I can’t get enough of her smiles.

She makes me laugh and… I get jealous all the time because of her.

Nahihiya ako sa mga naiisip at ginagawa ko, pero di ko napigilan ang sarili ko. Parang may sumasapi sa akin tuwing maiisip kong hahawakan siya ng ibang lalaki! Para ako masisiraan ng bait.

Nanigurado lang ako kaya naman, sorry Althea Marie mahal kita at baka di ka na makakatakas pa.

=-=-=-=-=-=-

Para bang di ako makaget-over kung sino ang lalaking yun, imposibleng si Matthew, Engr. Salvador, Mike, o Joseph yun. Masyadong malayo ang description and he sounded Italian. Wala naman akong kilalang malaforeigner dito pero… that mystery man will never leave my mind.

Kinain ko na lang ang corndog na binigay ni Mike habang nakaupo kami ni Alyssa sa Pasrk ng school while watching the Annual pageant. Badtrip, ang boring dito, at nanakit na ang katawan ko.

“Kaasar, gusto kong magparty at magpakalasing!” Nagulat na lang ako sa sigaw ni Alyssa.

“Huh? Bakit naman? Anong nangyari?” At nagsimula na siyang umiyak.

“Wala na kami. Iniwanan na niya ako at di man lang niya sinabing pumasa siya ng Yale. Iniwan niya ako Althea!” Then she hugged me really tight na para bang mawawasak ang mga braso ko.

“Hush, please hayaan mo na siya. Mayabang naman talaga yang boyfriend mo. Halatang di ka mahal. Mukhang napipilitan tuwing yayayain ka namin sa bahay.” At lalo pa siyang humagulgol.

“Stop it Aly, hayaan mo na yung kumag na yun. Sana bumagsak yung gago na yun at mawasak ang future niya.” At tumawa pa ang dalawang gago kong kaibigan.

“Sus, tara bar tayo. Libre ko lahat! Dahil successful ang robotics team! Tara na! Wala na raw kaming attendance! Wag niyo lang akong masumbong kala kuya haay!” Nag-apiran silang lahat at nagsaya.

“Okay, sasabihan ko lang mga classmates natin na mauuna tayo, okay?” At tumayo na si Mike papunta sa kinauupuan nila Eugene.

“Tara na! Party till we drop na to!” At nagtakbuhan kaming lahat sa parking lot.

“Okay, ganito ang plano. Sa akin na sasakay si Alyssa, at sa iisang kotse na lang kayo o dadalhin mo pa yung sayo joseph?” Sabay tanong ko habang kinukuha ang mga gamit ko sa backseat.

TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon