CHAPTER 23

6K 119 5
                                    

Kumalat sa University and sudden ‘single status’ ni Engr. Salvador at lahat ng mga estudyanteng babae ay halos sambahin at sunggaban na siya sa bawat pagdaan niya ng hallway.

Me? I ignored him.

Tama si kuya babaero siya, pero iniwanan ba talaga niya si Samantha para sa akin?

“Hey.”

“Engr. Salvador… yes?”

“Why treat me so cold? See where insanity brought me? It brought me to where you are. See what insanity brought me, my freedom… to love you even more.”

Nakakakilig. Naknamanngputsa!

“Whew… wala akong masabi, sige magla-lunch pa ako. Mauna na ako.”

“Wait, here take this. I bought brownies and… alam kong favorite mo yun sa bakeshop na yan kaya dinalhan na kita. I don’t want you to starve o kaya mangayayat. Ang payat mo na, sobra. Para ka nang stick.”

“Grabe, muscles yan. Tsaka di talaga ako tumataba ng lumba-lumba, structure na namin ‘to nila kuya kaya ganito na talaga.”

“Nga pala, nagbilin ang mga kuya mo na wag kang palapitin sa mga lalaki. Bawal daw ang manliligaw. Kahit naman di nila yun sabihin, wala na talagang makakalapit sayo… unless gusto na nilang di masilayan ang mundo okay lang naman.”

“Hey! Napakavulgar mo sa words! Paano kung mahuli tayo, huh?”

“Chill babe. Ako? Di nila ako mapapatalsik. Stock holder kami dito kaya nga ako nakapagprof agad kahit walang masteral eh.”

“Rich people and their wealth nga naman.” I said sharply.

“Whoa, para naman kasing dukha ka babe.”

“Stop calling me babe, and di ko kailanman ginamit ang yaman ng mga magulang ko. Kuripot pa ako sa intsik kaya di ako katulad mo.”

“Ganun? Okay lang yan, kahit kuripot ka pa, I love you still.”

“Shut up, old man.”

“Ako? Old? Oh come on, Althea Marie. Baka magulat ka sa talent ko… unless you wanna try and see my talent para di mo sabihin matanda ako?”

OMG. Ang bastos!

“Bastos ka! Dyan ka na nga, at akin na yang brownies. Sayang yan, tsaka sa akin naman talaga yan.”

“Of course, anything for  my babe.”

“Yuck! Tigilan mo nga ako! Child abuse!”

“Chil abuse? You’re twenty.”

“Tse! Dyan ka na nga. Ang epal mo, nakakainit ng ulo!”

“Ulo ba talaga ang uminit, babe? Baka iba na yan ha!” Then he winked!

Umalis na ako agad. Pulang pula na yung mukha ko at di ko na maipinta yung nasa isip ko. Sh*t ang bastos ng hinayupak na gwapo na yun! Alam niya kasing yummy siya kaya ganyan kayabang at kakapal ng mukha.

Yummy naman talaga eh, walang tapon.

Ano ba yan?! Kahit ako nababastos na ang isip. Kasalanan ng hinayupak na Salvador nay an kung bakit ganito ang naiisip ko. Ah, nagkandaleche-leche na ang puso ko. Sa tuwing makikita ko siya, kulang na lang magkaroon ng pafireworks ang puso ko para lang maexpress ang nararamdaman ko.

Ganito na kalupit ang lahat.

May malupit na sparks akong nararamdaman.

“Althea. Nakita ko ang lahat.”

TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon