CHAPTER 15

6.3K 120 3
                                        

I guess I woke up on the wrong side of my bed kaya naman grabe ang bad trip ko ngayon. Naasar lang kasi ako tuwing naiisip ko yung hopeless case ko about Mr. Salvador. Obvious naman kasi na wala akong chance sa kanya.

“Hey lil sis, may sasabihin nga pala kami sayo. Kasi napagdesisyunan namin nila daddy na after natin um-attend ng engagement nila Martin eh pupunta tayo sa transient house nila bago bumalik ng States si Samantha dear niya, sama mo na mga kaibigan mo.”

Engagement? Transient house?

“A-ah… s-sige sabihin ko kala Alyssa yan. Nice to hear na invited kami sa engagement party ni Sir.” I felt so gloomy na parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa lecheng engagement na yan.

“Okay! That’s settled then. Buti na lang pumayag ka kasi konti lang kami dun pag nagkataon. Alam mo namang di kami nagdadala ng babae kasi wala naman kaming girlfriend ni Drei.”

“Ah, yes. Kelan ba kayo magpapakilala ng girlfriend?”

“Eh kelan ka magkakaboyfriend?” Boom.

Kelan nga ba? Pagputi ng uwak? Pakshet.

“Ewan ko sayo kuya. Epal ka nanaman eh. Tigilan mo na ako kasi dadating ang tamang lalaki. Ah, peste talaga mga lalaki!”

Nagwalk-out ako. Umagang-umaga ba naman sembreak eh ganito ang maririnig mo? Ano naman kung ang nakalagay sa invitation eh ang date ng engagement party ay sa martes, na tatlong araw na lang mula ngayon?

Bakit ba kasi ako nagkagusto sa nakatali na, not technically pero almost na. Tanga ko naman, kahit pa naman engaged pa lang eh wala naman talaga akong chance!

Tanga mo talaga. Ang tanga-tanga ko! Sana kainin ako ng lupa bago kami umattend ng engagement party na yan.

Ayoko na talaga, give up na ako. Give up? Come to think of it, wala pa naman akong exerted effort para maging hopeless.

Ang kaso, di naman ako masamang tao para mang-agaw ng lalaki.

Never pa ako nang-agaw ng lalaki.

I dialed a number.

“Hey, can you get me a killer dress at your store? You know my size, and I’ll pick it up in two hours.” And that’s going to be my farewell for this girly feeling, coz I’m giving up.

=-=-=-=-=-=-

Maraming importanteng tao ang umattend ng engagement party. Mayamang pamilya pala ang mga Lorenzo, at galing sa isang mayaman at matandang prominenteng pamilya si Engr. Salvador.

They look really lovely sa old collge photos na nakaprint sa paligid. Lahat na ng klase larawan ay nadoon, isama mo pa ang pinakanakakabasag-puso na picture: nagpropose siya sa fiancé niya sa harap ng maraming tao.

Romantic. Sobra.

Naiinggit na yata ako.

“Oh you look stunning! Ikaw ba ang si… Althea Falcon?” A beautiful woman in her early fifties greeted me.

“Thank you po. Kilala niyo pala ako?” I smiled

“Oo naman, your parents are doctors right? Dun ako nagpacheck up nung isang araw kasi tumaas ang bp ko. Oh by the way, I’m Esmeralda Salvador.” I reached for her hand to shake.

“I am the soon-to-be-groom’s mom.” She’s lovely all over, nahiya ako bigla. Paano ko haharapin ang nanay niya? Ah basta, nababaliw nanaman ako nito eh.

“Nice meeting you po, ma’am.” She smiled.

“Balita ko sikat ka sa school niyo, kasi naikwento ka nung anak ko.” I blushed. Naikwento niya ako sa anak niya?

TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon