SPECIAL CHAPTER #4 (Her outrageous jealousy)

3.9K 56 2
                                    

Tangina talaga. Nakikipaglandian na naman si Engr. Salvador... Ay mali, Engr. Pogi nga pala. He requested to have his name changed on my phone. Nakakapanggalaiti at hanggang sa malayo na lang ako.

Fvck it!

May school fair ngayon at invited ang mga estudyanteng nagtake ng entrance exams sa amin. Isa itong paraan para makahikayat ng mga estudyante na mag-enroll sa amin. Well, kahit naman wala eh magkukumahog pa rin silang makapasok. They want to be called 'Maximillians' kaya sobrang dami ngayon ang umattend. I think mapupuno mamaya ang buong field dahil kakabukas lang ng gates pero ang daming tao agad.

"Ang daming gwapo Thea! Tara kainin natin sila, este kumain na tayo! Mauubos na naman ang churros at napakapatay gutom ng mga taga Medical department ha! Sila lagi nakakaubos." Ayokong tumayo sa kinalalagyan ko dahil nakatingin lang ako kay Engr. Pogi mahilig pala siya mga nakafitted pencil skirt.

"Wow nagsalita ang hindi patay gutom ha! Nakikipag-away ka nga dahil lang doon noong isang linggo. Nagmalinis ka pa talaga." Sumimangot naman siya at natawa ako.

"Eh sila nga anim kung bumili, ako apat lang! Considerate ako sa ibang bibili."

"Tse! Pareho lang naman iyon."

"Thea nakahurt ka na ng feelings ha!"

Napalingon si Aly sa tinitingnan ko.  "Malalantod talaga ang mga iyan basta professors. Dati yung taga Mathematics department binakuran na rin nila."

"I know. H-hindi naman gwapo si Engr. Salvador para pagkaguluhan. Tse!" Kinurot ako ni Aly sa legs dahil nakasuot ako ng jersey. Napangiwi ako at sinimangutan siya.

"Bulag ka ba?! Sobrang gwapo nga eh. Nahuhulog nga ang garter ng panty ko sa kanya, Thea. Palibhasa nga nerd ang type mo katulad ni Robert na nakikipag-anuhan na kay Melody, yung Ms. STMU." Wala na akong pakialam kay Robert na title holder ng Math Olympiad.

"I don't really care, Aly." Tumayo siya sinimulang hatakin ako papunta ng cafeteria.

"Hindi ako pwede umalis! Standby kami kasi parating na ang USEA (University of southeast Asia). Baka biglang mag-announce." Actually wala akong pakialam sa game eh. Mas mahalaga sa akin ang maspike ang mukha ni Jeannie na hinaharot si Engr. Pogi!

"Nge. Ayokong mag-isa kasi ayoko sa mga pekeng kaklase kong nanghihingi ng discounts sa boutique ni mommy." She pouted at hindi ko siya mapansin dahil tumatakbo sa isip ko kung paano ko brutal na mabubura ang make-up sa mukha ng Jeannie na iyan!

"Basta! Bawal ako umalis! Kainin mo na lang polvoron sa bag ko." Tinanggal ko ang backpack ko at ibinigay kay Aly.

"Eh! Purga na ako sa mga iyan. Lagi na lang laman ng bag mo iyan!" Parang nasuka siya nang sinabi kong iyon ang laman ng bag ko. Natawa lang ako kasi ang arte niya.

"Basta ayoko."

Then I saw Jeannie pushing her boobs to his arm. That biatch! Napatayo ako.

"Sasama muna ako kala Cathy sa practice game, ha? Sandali lang." I gave Aly a wicked grin na hindi niya maintindihan. Nagmadali akong tumakbo sa open space na volleyball court na pinapalibutan ng mga booths.

"Sali ako!"

Pagserve ni Cathy, alam ko na kung saan ko patatamain ang bola. I jumped high. Pinatama ko sa kamay ni Cathy pero alam kong tatama iyon kay Jeannie at success! Tumama nga sa mukha ni Jeannie ang bola. Napaupo siya.

Tumakbo ako kunwari para mukhang concern.

"I really am sorry, Miss? We're just practicing and I apologize." I offered my hand at tinabig niya ito. This ingate! Kapal niyang ipahiya ako!

"Biatch! Alam mo bang mahal magpa-eyelash extentions?" I giggled at her remark. Dahil lang ba doon?

"I'll pay you in cash para makabawi. Wala pa naman sigurong twenty thousand, right?" She smirked pati na rin ang mga kasama niyang alipores.

"Hanggang twenty thousand lang pala ang pera niya, girls. Oh sige,  kahit eight thousand na lang."

"Excuse me, kaya kitang bilhin ha! Wala na kasi akong cash na available at 20k lang nasa sa sasakyan kong Mercedez Benz eh. So, eight thousand lang naman pala." I took my bag in the bench where Alyssa is sitting.

I took my wallet and gave her 8k. Tama na iyan, baka nga wala pang 500 pesos ang pilikmata niyang peke. Naasar ako kasi halatang concerned si Engr. Pogi kay Jeannie.

"Ayan!" I gave her the money.

Then she faked a cry and leaned on Engr. Salvador. Niyakap naman siya ni Engr. Salvador at pinatahan. Tangina sinungaling. Kanina pa ako nagtitimpi pero pucha lang papatulan ko na.

"Ms. Falcon, nasaktan mo siya." Sabi pa ni Engr. Pogi na lalong nagpagalit sa akin dahil kinampihan niya ang linta.

"And I apologized! Grabe naman, ako na nga ang unaamin!" He gave me an angry look. I sighed.

"I'm going and Engr. Salvador, sasabihin ko sa mga kuya ko na wag ka nang patatapakin sa bahay namin kahit magpaparty pa silang barkada. You are banned! Arrgh!" I ran away and went to the locker area and locked myself.

Umiyak ako, tangina nila magsama silang dalawa.

TIE ME UP TO A BAD LOVE AFFAIR (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon