Chapter 1

11.2K 141 7
                                    

ONE

Wedding planner

"Deal or No deal?"

"What's the catch? You didn't even tell me the details" kumakaen ako ng spaghetti habang kausap si A. She was smirking. Something I've learned to read for years that I am with her. She wasn't called A for nothing. She was my enemy until she became my bestfriend. A's stands for Anastasia. I work with her as a wedding planner, events organizer and the likes that involves parties and events.

Pinatawag niya ako upang sabihin na may kliyente siyang nangangailangan ng serbisyo ko. At ang kliyenteng iyon ay ang lalaking minahal ko daw noon. Of course kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa buhay ko noong kasagsagan pa lamang ng kabataan ko, after all she was there bitching, masyadong bitter sa buhay si anastasia.

William Andress De Chavez. Sino ang hindi nakakakilala sa sikat na playboy ng bansa. Ruthless and a shrewd businessman. Hinahangaan ng mga kababaihan at kinaiinggitan ng mga kalalakihan. Isang pitik lang ng kanyang kamay ay magkakandarapa ang sinuman na lumuhod at ibigay ang mga pangangailangan niya. Hindi ba't naging parte din ako ng mga humahangang babaeng iyon noon.

Laman siya halos ng mga magazine at newspaper dahil sa angking kakisigan at kagalingan. Halos nangunguna ang De Chavez Hotels and casino dahil sa pamamaraan niya ng pamamalakad. Even if his cold to almost everyone ay ni hindi man lang nagmamaliw ang pagkagusto at humahangang tingin ng mga kababaihan sa kanya.

He was rumored to be engage to his almost one year on and off girlfriend. Paano ko nalaman? Well, sinusubaybayan ko lang naman ang kanyang career. But there was no picture of a girl. Kahit maraming nalilink na babae sa kanya ay pinanatili niyang pribado ang kanyang love life at buhay. I can't dig any deeper. Kuntento na akong makita siya sa pictures or even on TV where he was feautured as one of the certified bachelors of this generation. Sinasabing napaka swerte ng babaeng makakakuha ng kanyang atensiyon.

nakuha mo na siya noon penelope. Kastigo ng kanyang isipan.

Huminga ng malalim si penny ng manikip ang kanyang dibdib at may dumaang kirot sa kanyang puso.

They were an almost to be. Yet she left him. And she never did see him again after five years. Kahit maliit lang ang mundong ginagalawan nila ay hindi niya kahit kelan hinayaang mag krus muli ang kanilang landas.

Masyadong kilala ang pamilyang pinanggalingan ni andress. Inilulugar niya lamang ang kanyang sarili. Natatakot siyang maulit at maulit ang nangyari noon.  Ang masasakit na pinagdaanang ayaw niya ng balikan. Andress de chavez is already a history that she won't look back. The experience is very painful.

Yet you're still hoping for the impossible penelope. Forever is a choice made by two person who wanted to grow old with each other. Don't hope too much. He was already too far from your reach. Napakatayog niya na ngayon penelope.

Isa nalang siya ngayong pangarap na hindi ko kailan man maabot.

"earth to Penelope" napakurap ako ng pumitik si ana.

"I don't think it's a good idea for me to cover his wedding, A" napabuntunghinga ako

"why? Hindi ka pa ba nakaka move on? Five fucking years and still into him huh'" umismid si ana sa akin.

Hindi niya naiintindihan. Hanggang ngayon ay nanatili parin ang pakiramdam na kumakabog ng mabilis ang puso ko kapag naririnig ko ang pangalan o kahit ang apelyido man lang ni andress. Talking to him will do me no good. Nararamdaman kong hindi magiging maganda at successful ang magiging wedding niya kong ako ang magcocover.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon