Chapter 25

4K 75 2
                                    

TWENTY-FIVE

"hindi ba at sinabi ko na sayo na bawal ligawan ang mama ko!" malakas na boses ni tony ang sumalubong sa akin. Nahawi ang mga taong nakakausyuso.

"pero gusto ko ang mama mo. Gustong gusto ko siya" napapikit ako sa isa pang boses ng lalaki na nakikipag tunggalian kay tony. Konsehal Marben Prieto. Isa't kalahating taon narin siyang nanliligaw sa akin at sa mga pagkakataong iyon ay iilang beses pa lamang siyang nakakapasok sa aming bahay. Hindi niya kahit kelan nauuto si tony. Kulang nalang iligaw si konsehal ng anak ko.

"Anthony" pinandilatan ko ang aking anak. Inismiran niya ako.

"bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling? Diba sinabi kong wag kang magpa umaga ng uwi. Matanda kana mama" packing tape. Nahihiya ako sa mga kapit bahay sa nagchichismisan na at palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni tony. Badtrip tong anak ko. akala mo matanda na kong makapagsalita.

"sino yang kasama mo mama?" nilingon ko ang nasa likod ko. Singhapan ng mga meron ang narinig ko. Nakahalukipkip si andress at nakikipagtagisan ng tingin kay tony.

Tiim niya akong tinignan. Tapos binalik niya kay tony ang tingin niya. Nakalabi na ngayon ang anak ko. He crossed his arms on his chest. Para siyang maiiyak na ewan.

Dumagundong ang puso ko sa kaba habang palipat lipat ang tingin ko sa aking mag-ama. Hindi maipagkakailang magkadugo sila. Kamukhang-kamukha ni andress si tony. Parang may malaking kamay ang pumisil sa aking puso. Nagsisikip eto.

"Go back inside son. I'll talk to your mama's MANLILIGAW" madiin talaga ang pagkakasabi niya ng manliligaw.

Pero ang tumimo sa isip ko ay ang pagtawag niya sa anak ko ng SON! werpa talaga!

Sinamaan ko ng tingin ang tumiling si Carlota. Sinunod ni tony ang sinabi ni andress.

"go inside babe" pagtaboy sa akin ni andress nang may lambing ang boses. Nag-iinit tuloy ang pisngi ko.

Packing tape!

'hala siya ang tatay ni tony'

'ang gwapo'

'teka nalaglag ang panga ko'

'bilisan mong pulutin gaga'

'ang pustiso ko'

'kadiri ka meling'

Pumasok ako ng bahay na hiyang-hiya. Nandoon si nanay at mangiyak ngiyak pati narin si tatay. Si tony ay nakahalukipkip sa isang tabi at lumuluha.

"anong nangyayari?" nag aalala kong tanong sa kanila. Pigil pigil na kasi ni tatay ang iyak niya dahil ikot ng ikot ang paningin niya.

Pumasok si andress kasunod si konsehal.

"can you leave us. I'll just talk to him for a minute" wow parang bahay niya ang bahay namin. Parang ilang taon kameng hindi nagkita tapos makautos siya sa pamilya ko.

At ang nanay at tatay pati si tony ay sabay sabay na pumasok ng kwarto. Sinamaan ko ng tingin si andress. Nagdadabog na pumasok din ako sa kwarto ko.

Akala mo kong sinong makautos. Kapal ng mukha ng andress De chavez na yun!

Palakad lakad lang ako sa aking kwarto. Nag-iisip . Parang may kakaiba sa pamilya ko. Dapat diba magulat na sila na kasama ko si andress. Dapat magalit sila. Tapos yung reaction nila ngayon. Alam mo yung parang OFW ang pamilya mo tapos nagbalikbayan pagkalipas ng dalawang taon. Ganun ang nakikita kong ekspresyon sa mukha nila nanay, tatay at tony.

Teka nga. Kilala ba ni tony ang tatay niya? I mean personally? Kasi alam ko sa pictures niya lang nakikita si andress e. May itinatago ba sa akin ang mga magulang ko? Nanginginig ang tuhod ko. Lumalakas ang kabog sa dibdib ko.

"pen-" tawag ni nanay na may kasamang pagkatok. Binuksan ko ang pintuan.

"nay-"

"kumaen ka na ba?" kunot noo at diko maintindihan kong bakit ganito ang itsura ni nanay ngayon. Maaliwalas ang mukha at halatang galing sa pag-iyak.

"tapos na nay. Si andress po?"

"umalis na anak" nakahinga ako ng maluwang. Ayoko siyang kausapin ngayon at ayokong makita ang mukha ni andress.

"pwede ba tayong mag-usap nay" nag-ulap ang itsura ni nanay. Todo iwas siyang tumingin sa aking mukha

"ay may gagawin pa pala ako. Cge-" hindi ko nga siya hinayaang umalis. Hinawakan ko ang braso niya at ipinasok ko sa siya sa aking kwarto.

I crossed my arms on my chest. Taas kilay kong tinignan ang kinakabahan ko ng ina.

"anong hindi ko alam nay?"

"shit!"

"ay bawal magmura nay"

"ei kasi naman anak"

"sabihin niyo na. Habang hindi pa ako galit at uunawain ko kayo" napabuntunghinga si nanay at umupo sa gilid ng aking kama.

"naalala mo noong nagkasakit si tony tapos kailangan niyang salinan ng dugo?" tumango naman ako. Two years old si tony noong na dengue siya. Nasa trabaho ako noon at nag aalala ako nang umiiyak si nanay na tumawag sa akin sa telepono.

"Tinawagan ko si security min noon. Nakiusap akong ipakausap niya ako ky andress. Walang ibang pwedeng magsalin ng dugo kay tony noon kundi ang kanyang ama lang. Napakahirap maghanap ng dugo na kagaya ng kay tony. Kinabukasan ay dumating si andress anak. Pagod na pagod ka noon. Tulog na tulog ka. Hindi ka niya ipinagising sa amin. Alam mo bang umiiyak si andress habang nakatitig kay tony. Noon lamang niya nakita ang anak niya pero makikita sa mata niya ang pagmamahal para dito. Galit siya noon. Galit siya dahil wala man lang nagsabi sa kanya na may anak kayo. Galit siya sayo. Hindi namin sinabi dahil nakiusap siya na huwag naming sabihin sa iyo. Siya ang nag asikaso lahat pati sa gastos hanggang sa gumaling si tony ay nandoon siya. Hindi niya iniwan si tony anak"

Naiiyak ako sa kwento ni nanay. Tuloy tuloy na umagos ang luha ko.

So kaya pala may mga gamit at damit pati laruan na dumadating tuwing pasko na naka balikbayan box pa. Pag tinatanong ko si nanay ay galing daw iyon sa apo ni manang berta na nakapag asawa ng amerikano. Syempre hindi na ako nagtanong pa. Kilala ko ang apo ni manang saka hindi ko naisip na magsisinungaling ang magulang ko.

"nagkikita silang mag-ama dalawang beses isang buwan. Minsan sinasamahan namin si tony. Kumakaen kame sa labas. Kaya noong sinabi mo na ang bago mong kliyente ay si andress at ikakasal na eto ay nasaktan ako para sayo. Matagal ng sinabi ni andress sa amin ng tatay mo na ikakasal siya. Wala siyang balak dugtungan ang namagitan sa inyo noon. Gusto niyang maging responsableng ama. Gusto niyang maging ama ky tony. Wala naman talaga kameng balak itago eto sa iyo anak. Pero si tony, sabi ng apo ko huwag daw sabihin sa iyo kasi ayaw ka niyang masaktan. Gustong gusto ng apo kong mabuo ang kanyang pamilya. Pero anak kahit anuman ang mangyari mahal na mahal namin kayo ng tatay mo"

Humagulhol na ako. Ang naiwan sa aking salita na sinabi ni nanay at paulit ulit na nagpeplay sa aking utak ay ang walang balak si andress na dugtungan pa ang namagitan sa amin noon. Shit! Sobrang nasasaktan ako. Umasa ako. Asang asa ako. Paulit-ulit. Pero una palang dapat hindi ko na hinayaan ang puso kong umasa. Ang tanga ko lang talaga. Yung mga tingin niya. Yung yakap niya. Yung salita niya. Grabe nakakapanlambot ng tuhod. Pati puso ko ay napapalambot na rin.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon