Chapter 7

4K 70 0
                                    

SEVEN

MINE

"Rex Elizalde. Is he courting you?" kunot ang noo na binasa ko ang text sa akin ni andress.

Luh? Anong problema niya. Bakit siya nagtatanong sa social life ko, most importantly, sa love life ko.

"is everything okay, pen?" umiling ako at tinapos ang pagkakabit ng placards sa kwarto ni ana.

Ewan ko ba kong bakit sa akin siya humihinge ng tulong patungkol sa kong paano pasayahin ang isang babae. Dapat kasama ko si lala ngayon na tinutulungan ang isa sa mga pina kagwapong estudyante sa aming paaralan, kaso may importante daw na gagawin ang bruha.

Rex girlfriend is the queen bee and campus cheerleader Anastasia Sulivan.

Ka group namin si ana sa isang seat work. Tatlo kame nila lala. Tapos nakita namin sila sa may Timezone. Muntik na halikan ni rex si ana nun. Nagulat kame kasi sila pala. Ang campus nerd at ang campus bitch. Tikom ang bibig na hinayaan namin sila sa kanilang tagong relasyon. Kahit ayos lang kay rex ay ayaw ni ana dahil PDA daw at ayaw niya ng pinag-uusapan. Gusto niya ng discreet lang.

Mula noon ay palage na kameng mag ka grupo at palageng sinusundo ni rex si ana. Palage nakangisi si lala. Napapailing nalang ako.

Sikat si Rex Elizalde. Habulin ng babae at basketball captain ng school. Mayaman ang mga elizalde. Hindi ko alam kong paano naging sila ni ana. Hindi ko narin tinanong. Hindi naman ako chisimosang tao.

"rex, tapos na. Uwi na ako ha" there's a glint of wickedness in his smile.

"thanks pen. Mag ingat ka pag-uwi."

Naglagay ng balloons at decoration si rex na may nakasabit na happy monthsary sa apartment ni ana. He wants to surprise her. Being the sweet boyfriend that he is. May inggit tuloy akong nakapa sa aking puso.

Nagmadali akong umuwi. Malapit ng mag alas singko. Sumakay ako ng tricycle pagkababa ng jip. Lakad takbo ang ginawa ko papasok sa mansiyon.

Nasa may double door ang senyorito andress. Nakatingin siya sa kanyang relo. Tinaasan niya ako ng kilay. Tumiim ang kanyang labi. Nakatitig siya sa akin ng mataman. Mabibigat na titig na nagpakabog sa aking pusong naghaharumentado sa takot. Nakakainis! Bakit ba kasi siya nag-aantay?

"5:21. 21 minutes late. Tsk.tsk.tsk" namutla ako sa kaba at habol ang hininga na sinamaan ko siya ng tingin. Kong ibang kasambahay ako ay hindi ko magagawa ang samaan siya ng tingin. Nakakatakot kaya ang senyorito kapag nagagalit. Pero dahil kilala ko na ang likaw ng bituka ng senyorito ay wala lang sa akin ang masama niyang tingin at mabigat na titig kahit pa may takot sa puso ko.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon