Chapter 31

3.9K 68 3
                                    

THIRTY-ONE

Inipon ko ang lahat ng lakas sa aking braso at itinulak si andress. Alam kong pulang pula ang mukha ko at ang gusto ko na lamang ay lamunin ako ng lupa.

"ang sarap siguro ng labi ng anak mo lagring ano?"

Rinig ko pang bulong ni tatay. Kaso dahil sa sobrang katahimikan ay maririnig parin sa loob ng bahay.

"huwag kang maingay jan" sita ni nanay.

Nakakahiya! Juice na mahabagin.

Sinamaan ko ng tingin si andress. Ni hindi siya lumalayo sa harap ko. Nakatitig siya sa akin na sa sobrang intensidad ay gusto ko na lamang mag dissolve sa harap niya. Kong may powers lang ako.Naku naman.

Nagmadali ako umalis sa harap ni andress. But he holds my arm like his life depended on it. Shit talaga! Ang puso ko. Umaasa na nmn. Tang na juice talaga.

Iwinaksi ko ang braso niya at hinablot ang tulalang si clark.

"Fuck! Where the hell are you going Penelope!" Shocks. Tumakbo na ako habang hawak si clark.

"Buksan mo ang kotse mo. Bilisan mo clark. Daliii" mabuti at nabuksan agad ni clark ang kotse dahil pinatunog lang nmn niya eto.

Pagkasakay ay nagtitigan kame ni clark

"Damn! You can't get away from me Penelope. Hide, still you can. Dahil sa oras na mahuli kita sisiguraduhin kong hinding-hindi ka makakawala"

"drive clark" I pleaded. Bumuntunghinga siya at sinuksok ang susi bago pinaandar ang sasakyan

Mga ilang minuto kameng nasa daanan. Nag pula ang ilaw kaya hininto eto ni clark. Tumikhim siya bago ako binalingan.

"so, care to explain what just happened back there? Shit pen. Ayoko nang bumalik sa bahay niyo. Kong nakita mo lang ang itsura ng ex mo. Good Lord. Ayaw ko pang mamatay pen"pinasadahn ko ang itsura ni clark. His pleading. Ramdam ang nginig sa kanyang braso. Hindi ko mapigilang matawa. Hanggang sa ang tawa ko ay naging halakhak na.

Baliw na talaga ako. Ni hindi ko alam kong anong nakakatawa. Bakit ba ako natakot? Bakit ba ako tumakbo? Ano nga bang kasalanan ko kay andress at takot na takot ako? Shit!

Umiiling-iling si clark.

"kay ana tayo okay. Claire is already in there and lala. Nag-away yata or may di pagkakaintindihan ang mag-asawa. Magtatago daw muna si lala kay Pluto" napapalatak ako. Kaya nga ba hindi pa ako nag-aasawa ei. Aside from waiting for andress ay ayoko na kapag may pagkakaunawaan ay hindi pag-usapan. Mas maigi parin na pag-usapan ang di pagkakaintindihan. Wala din namang makakasolve ng away kundi kayo lang ding mag-asawa.

O e bakit ka tumakbo kanina?

Wag mo akong kausapin utak! Naiinis ako. Natakip ko ang palad ko sa aking mukha.

"gosh" bulong ko

-

"so what happened? Bakit mo tinakbuhan si andress? Bakit ka natakot?" habang tinutungga ang bote ng alak ay hindi ako nilubayan ng mga tanong ni ana. Lala and clark is waiting for me to answer such difficult question.

Isa lang naman talaga ang sagot e. Takot akong bumigay at umasang muli. Pero hindi ba't inlove ka kay andress?My subconscious mind asked me? Again! Bakit ka pa matatakot kong matagal kna rin namang sumugal. Kaakibat ng pagmamahal ang sakit. Just embrace it pen, embrace love and expect to be hurt again. Happiness is a risk.

Napapikit ako sa biglang pagpitik ng sentido ko. Gumalaw ang paligid. Napakapit ako sa upuan sa sobrang hilo.

Tinamaan na yata ako. Kanina pa ako umiinom. Mula pagkadating pa lamang namin ni clark ay dumiretso agad ako sa refrigerator at nilabas ang lahat ng alak na nakasalansan sa ref ni ana.

Mga sampung bote na yata bago ko naramdaman ang pag-inog ng mundo.

Tumayo ako upang sana ay umihi at para narin iwasan ang tanong ni ana. But fudge! Naupo ulit ako. Hilong-hilo ako.

"pen ang telepono mo kanina pa tunog ng tunog. Sagutin ko na ha. Si nanay tumatawag" I just nod to ana

Isinandal ang sarili sa upuan at pumikit. Hanggang sa makatulog ako.

-

Masakit ang ulong gumising ako kinaumagahan. Unat unat na bumangon ako nang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko.

"ma, inumin mo daw to" inabot sa akin ni tony ang isang tableta. Wala sa sarili ko etong kinuha at nilagay sa bibig saka uminom ako ng tubig na dala niya

Kumurap kurap ako bago umupo sa gilid ng kama. Sapo ko ang noo ko. Nahihilo parin ako.

"ayos ka lang ma?" nag-aalalang boses ni tony.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nginitian siya saka tumango.

Yumuko ulit ako para kahit papaano ay mabawasan ang hilo ko. Hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko nang mag epekto na ang gamot na ininom ko

Saka ko lang naalala na

"tony, sino pala ang –" akala ko ay hindi parin umaalis si tony.

"I carried you" matigas na sabi ni andress. His busy staring at me. Packing tape. Hindi pa ako naghilamos at kakagising ko lang din.

Napalunok ako ng pinasadahan niya ng tingin ang aking mukha

"take a shower and let's eat" tapos ay umalis na siya sa pagkakasandal sa pinto ng kwarto ko

Ang puso ko ay ayaw na namang tumigil sa pagrarambulan.

Nagmadali akong tumayo at mabilis na naligo. Shocks naman. Umalis ako dahil kailangan kong mag-isip. Pero fudge bar nmn. Paano ako makakapag-isip kong nandito si andress.

Dumulog ako sa hapag kainan. Nakayuko. Hiyang-hiya. Palipat lipat ang tingin ni nanay at tatay sa amin dalawa ni andress

Tahimik ang hapagkainan. Kubyertos at ang bawat pagnguya lang namin ang maririnig.

Si andress ay at home na at home sa bahay. Nakapambahay lang din siya. Ang kapal ng mukha. Akala bahay niya ang bahay namin. Buti nga at hindi niya kasama si Stephen.

"nanay may bago pala kayong ampon?" nakangiti si nanay at apologetic na tinignan si andress

"pasensiya kana iho. Masama yata ang gising ni pen"

"ano ka ba lagring. Di mo pa ba sinasabi sa anak mo na dito na titira si andress. Aba'y –"

"ANO?" sigaw ko

Tumingin ako kay andress na nakataas ang kilay. A smirk formed on his lips.

"pumayag ka na ma. Gusto ko nandito si daddy. Please" sinamaan ko ng tingin si tatay at nanay.

Nag-iwas lang silang dalawa ng tingin

Nakabibinging katahimikan ang sumunod na maririnig.

Tuloy tuloy ang subo ko ng kanin at ulam. Naiinis ako. Bakit ba sila pumayag. Anak ba nila si andress? Saka bakit ba gugustuhin ng isang mayamang gaya ni andress na tumira sa bahay namin. Di ba ikakasal na siya? Ano bang gusto niyang mangyari.

"stop sulking babe"

"ayuuun. Babe pala ei" si tatay

"ayiieeee" si tony

"kiligg" si nanay

"ANO BAAAAA" asar kong sigaw. Pero , deep inside kinikilig ako. Badtrip tong pamilya ko!

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon