Chapter 21

3.6K 55 0
                                    

TWENTY-ONE

Reasons

"anak kumaen kana. Masama parin ba ang pakiramdam mo?" humikab ako. Kahit antok na antok ay tumayo ako at pinilit kong humakbang sa maliit na lamesa kong saan may nakalagay ng pagkaen.

"lugaw" bulong ko.

"oo dinala ni senyorito. Ipakaen ko daw sayo. Ano bang nangyayari. Pumunta dito ang senyorito at sinilip ka. Hindi pa nakabihis dumiretso dito" hindi ko nalang sinagot si nanay at tinikman ang lugaw na nakahaen. Masarap sa panlasa ko kaya tuloy tuloy ko etong kinaen. Hindi naman siya sobrang init.

"may binili pala ako sa mercury kanina" inabot sa akin ni nanay ang isang bagay na kinakatakot ko. Tinignan ko si nanay. May takot sa aking buong sistema

"sge na anak. Subukan mong mag test. Noong nakaraang linggo pa kita napapansin na palageng nananamlay. Kahit naman hindi ka nagsusuka ay malalaman at malalaman ko parin. Noong isang gabi ay ayaw mo ng amoy ng bawang. Tapos pumunta dito ang senyorito at may dalang burger steak galing Jollibee at ang sabi ay pinabili mo raw" kahit nalilito ay inabot ko ang pregnancy kit. Kuyom ang kamao na pumasok ako ng C.r

"hindi ka naman namin mapigilan ng tatay mo. Maraming beses mo kameng sinuway anak. Kahit sino dito sa mansiyon mahahalatang may namamagitan sa inyo ng senyorito. Ni hindi ka na niya pinalilinis sa kwarto niya. Si manang berta na ang sumasama sa isang kasambahay" tuloy tuloy ang litanya ni nanay habang nasa loob ako ng banyo at nakasandal siya sa likod ng nakasarang pinto.

Pinatakan ko ang kit. Natulala ako sa linyang lumabas.

Binuksan ko ang pinto at wala sa loob na inabot eto kay nanay

Tulala lang ako.

"maryosep. Bakit kasi hindi ka nag-iingat. Pwede namang may nangyayari sa inyo ng hindi ka nagbubuntis. Paano ang mga pangarap mo? Marami pa kameng pangarap para sayo? Anak naman" sumadsad sa semento si nanay. Hindi ko alam basta napakapit ako sa likod ng upuan at napaupo. Blangko ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin

Nang gumabi na ay pinakita ni nanay kay tatay ang kit. Nagtatagis ang bagang ni tatay

"eto ba ang gusto mo? Eto ba ang palageng pinangangaral namin sa iyo? Pinalaki ka namin na dapat pahalagahan ang iyong sarili. At ang iyong edukasyon. A-anak. Ano ang ginawa mo sa sarili mo? Napakabata mo pa. Magtatapos ka palang. Hindi mo pa nararanasan kong ano ang totoong mundo. Wala ka pa sa kalahati."

Umiiyak ako ng gabing iyon. Mugto ang mata kinabukasan. Paputol putol ang pagtulog ko. Tumatawag si andress. Palage siyang tumatawag at tinatanong kong kumaen na ba ako. Kapag sinabi kong hindi ay bibilhan niya ko ng agahan. Sinusundo ako pag lunch break. Gusto niyang sabay kameng kumakaen. Palage akong nagsisinungaling na mag oovernight pero ang kasama ko lang ay si andress.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon