Chapter 9

3.7K 67 0
                                    

NINE

Proposition

Pagkatapos nang nangyari noong sabado ay iniwasan kong makita o makasalubong si andress sa kahit saang sulok ng mansiyon nila. Hindi ako lumabas ng kwartong nakatalaga para sa amin ng pamilya ko

Yun lang naman ang ginagawa ko. Maglinis ng kwarto ng senyorito. Mag report sa mga ginagawa niya sa school. Bantayan siya. Pero kahit naman hindi may nagbabantay naman sa kanya. Sa labas ng school ay may mga bodyguard siya. Maski nga sa loob ay meron din. Kaya hindi ako pwedeng mapalapit sakanya. Isang pagkakamali lang ay malalaman ng senyora Antonina ang pinakaingat-ingatan ko. Mawawalan ako ng scholarship. Hindi ko matutupad ang mga pangarap ko. Higit sa lahat hindi ko mabibigyan ng maginhawang buhay ang mga magulang ko.

"hey, bitch" wala sa sarili kong tinignan si ana. She's smirking.

"bakit?"

"your spacing out. Tapusin na naten ang project na eto. Or baka gusto mong pag-usapan naten ang problema mo. Sabihin mo lang" nag iwas nalang ako ng tingin. Hindi ko naman super close si ana. Sa isang subject lang kame mag kaklase. May sarili rin siyang set of friends and those friends came from a wealthy family. Mabuti nga at hindi niya kame inaaway eii. Bully si ana. Civil ang pakikitungo niya sa amin ni lala.

Wala na naman ang bruhang si lala. Hindi ko maintindihan ang trip. Nagtext na may gagawing importante. Hinayaan ko nalang.

"Sa bahay ko na to tatapusin ha"

"k. bye bitch" nauna ng umalis si ana.

Naglakad ako papuntang library. I need some book for the report. Kahit naman high tech na ngayon dahil puro computers nalang ay mas maganda parin ang old written documents which are written through books. Mas naiintindihan ko at hindi masyadong komplikado.

Konti lang ang tao sa library. Hindi na uso sa mga estudyante ang pumasok dito. Mas lamang ang internet access at printed copies.

Nilapag ko ang bag ko at pumunta sa aisle kong saan ang literature.

Sinuyod ko ang mga libro hanggang sa makita kong ang hinahap ko. Naglakad ako padulo para sana umikot nang may marinig ako halinghing.

"ahh" boses ng isang babae. Nagsimula ako ma curious. Naglakad ako ng walang ingay.

"shit! Will, baka mahuli tayo" kumabog ang dibdib ko. Kahit pakiramdam ko kilala ko ang pangalang binanggit ng babae ay pinilit ko paring sumilip sa siwang ng mga librong nakatabon.

"fuck! Ahh" and his voice. Hanggang sa masilip ko siyang nakatayo habang dinadama ang nakalilis na palda ng babaeng kahalikan niya

Natutop ko ang aking bibig. Napigilan ko ang pagsinghap. Naramdaman ko nalang ang pagdausdos ko sa lapag. Hindi ko maintindihan pero nasasaktan ako. Bakit ganito? Kahit nakikita ko siyang may iba't ibang kasamang babae sa kanyang kwarto ay hindi ko naman nakikita ng aktwal ang ginagawa nila. Bakit kong kelan pakiramdam ko unti unti kong binubuksan ang puso ko ay nasasaktan naman ako.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon