Chapter 29

3.8K 60 7
                                    

Mahigit apat na oras ang binyahe namin.

Pagkahimpil pa lamang ng sasakyan ay nagmadali na akong lumabas. Kanina pa ako ihing-ihi. Si ana ay pinilit pigilan ang pag-ihi ko.

Nagmadali akong pumasok sa Hotel at nagtanong ng restroom.

Pagkatapos umihi ay binalikan ko ang mga kasama ko.

Kaso si andress na lamang ang nakita kong nag-aantay. Ang mga walangya iniwanan ako. Nakita ko pa ang anak ko at si stephen kasama si ana. Si nanay at tatay ay baka pumasok na sa loob ng suite na okupado namin.

"nasan na yung babaeng kasama mo?"

"in our suite. I guess" mas nag-alburoto ang puso ko sa walang pakialam na sagot ni andress. So magkasama pa talaga sila ng kwarto? Ang kapal naman talaga ng mukha neto ni andress. Kong ako ang magiging asawa niya makakatikim siya sa akin ng maraming sapak!

"akala ko ba ikakasal ka na?"

"marriage for convenience. It doesn't matter if I am married or not. You know me already" sinamaan ko siya ng tingin sa sinagot niya.

Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi.

Hindi ko maiwasang igala ang paningin ko sa kanyang mala Adonis na katawan. His got good built. Depenado ang hugis ng kanyang braso. Kahit nga ang kanyang abs ay kitang kita dahil manipis lang ang sando na suot niya.

Mas lalo pang nagdagdag sa appeal niya ang suot niyang shades. Can't help but stare. Hindi ko maiwasang mag-imagine na ano kayang pakiramdam ang mapaloob ulit sa mga bisig niya.

Umakyat ang tingin ko sa kanyang labi.

Ano kayang pakiramdam ang mahalikan ni andress ulit. I know his a good kisser. His always a great lover. In bed and outside of it.

"ehem" I stop my dirty thought when I heard him cleared his throat

"you've been ogling babe. Too bad you can't have me." kumindat pa siya at iniwan ako doong nakatanga.

Ang walangya. Pa hard to get. Kapal ng mukha! Kuyom ang kamao na kinuha ko ang gamit ko sa kotse ni ana at hinanap ang suite namin

Birthday na birthday ko binabadtrip ako ni andress.

-

"pen, anak" I moan when I heard my name. Nakatulog pala ako sa sobrang inis ko kay andress.

"n-nay"

"bangon ka na. Hindi na mainit magtampisaw sa dagat. Alas kuwatro na. tara na at maligo. Nandoon na sila sa cottage na kinuha ni andress, Magbihis ka na anak"

Kumalam ang aking sikmura. Nagmadali akong nagpalit ng maiksing shorts at hanging blouse na manipis. Suot ko na ang itim na two piece suit na may streak na red. Kanina pa ako nakabihis. Kaso paglapag ng katawan ko sa kama ay di ko namalayang nakatulog ako.

Siguro dahil halos gabi gabi akong puyat kakaiyak dahil kay andress kaya bumawi siguro ang katawan ko ng tulog.

Habang pababa ng hotel ay naglalaro na naman sa isip ko si andress at ang babaeng kasama niya. Shit na malagkit. Malamang may gagawin sila sa suite. Sumakit bigla ang ulo ko. Umakyat yata ang dugo ko sa inis. Dapat talaga hindi ko na inisip si andress. Hindi siya healthy sa pagkatao ko.

I should really move on from him.

Dapat nga magalit ako dahil sa pagtatago niya sa akin ng totoo. That he never had an amnesia anymore. Pero pinalampas ko dahil may kasalanan din ako sa kanya. Mas higit pa ngang malaki ang ginawa ko na pagtatago ng tungkol sa pagkakaroon niya ng anak kesa ang pagtatago niya ng katotohanan na naaalala niya na ako. Matagal na.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon