Chapter 23

3.7K 58 0
                                    

TWENTY-THREE

Accident 2

"seatbelt penelope. I am so pissed" kinabit ko ang seatbelt ko habang nakatitig at kinakabahan sa seryosong mukha ni andress. Pinaharurot niya ang kotse. Napahawak ako sa sandalan. Kinakabahan pero ayaw kong magtanong muli dahil dadagdagan ko lang ang galit na namumuo sa kanyang sistema. Kuyom ang kamao ni andress at igting ang panga.

Tumulo ang luha ko at hindi ko alam kong bakit. Siguro dahil sa pagbubuntis ko isama pa ang takot sa pagmamaneho ni andress ng mabilis at ang baby ko.

"damn! Stop crying babe" why is it na kahit galit siya ay ramdam ko parin ang lambing sa kanyang boses.

"d-dahan dahan please" huminga siya ng malalim at inapakan ang break kaso nagitla ako nang patuloy ang mabilis naming pagtakbo.

"fuck!" kinakabahan na ako. Pinindot ni andress ang kanyang celfone na nakakabit sa kotse at tinawagan ang security

"Del Moral, walang break ang kotse ko. Fuck!" sumigaw si andress na mas lalong nagpabilis ng nerbiyos at takot ko. Nanginginig na pinagsalikop ko ang aking kamay

"a-andress" tinignan niya ko ng may pagsusumamo.

"it's going to be alright babe. I'll make sure your safe" hinawakan niya ang aking kamay.

Nasa intersection na kame. Dapat ay liliko si andress. Hindi niya mamaniobra ang kotse. Tuloy tuloy etong tumatakbo kahit hindi niya hawakan ang manibela. Nasisindak na ako sa takot.

"babe, look at me" tinignan ko ang gwapong mukha ni andress. Kahit ramdam ko ang takot sa kanyang boses ay pilit siyang nagpakahinahon.

"I'm sorry, I'm sorry. Ang baby andress. Ang baby" paulit ulit kong anas,

hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi.

"I love you" he whispered. Kasabay nun ay ang nakasisilaw na liwanag. Nanlaki ang mga mata ko sa takot at gulat. Ibabangga dapat ni andress sa isang poste ang kotse nila! Kaso.....

Naararo ang kotseng sinakyan ng isang delivery truck. Yakap yakap ako ni andress. Siya ang mas napuruhan.

Nawalan ako ng malay.

Bumalik ang malay ko ng nasa loob na ako ng ospital. Pinipilit ko si nanay na payagan akong bisitahin si andress pero may Restraining order na kinuha ang senyora.

Limang buwan ako sa ospital upang masigurado ang kaligtasan ng baby. Noong payagan akong lumabas ay pumuslit ako kay nanay at pumunta sa tenth floor sa kwarto ni andress upang mabisita siya pero nandoon ang senyora.

Bumiling ang mukha ko sa kanyang malakas na sampal.

"I told you. I told you to break up with him. Kong ibang nanay ako ay hindi na kita hahayaang lumapit pa sa anak ko. But you were my son's friend afterall. Kaya gusto kong maging maayos ang pagpapaalam mo. But what have you done. Look at him" hindi pa gumigising si andress. Umiiyak na ako habang nakatingin kay andress na nakaratay. Puro tubo ang nakakabit sa kanyang buong katawan.

"I'im sorry po"

"umalis ka. I don't want to see your face anymore. Leave habang matino pa ang isip ko"

Hinawakan ng body guard ang balikat ko at tinayo ako. Pinalabas ako sa kanyang kwarto.

"umuwi kana pen. Mas magiging maayos ang baby mo kong uuwi ka. Maging malakas ka. Para sa baby niyo ni andress"

"security min. Alam mo?"

"ihahatid kita. Hindi kana makakapasok sa ospital na eto sa mga susunod na araw kaya maging matatag ka para sa baby mo"

True to his words. Hindi ako pinayagan ng guard ng ospital na pumasok. Naka ban ang pangalan ko. May picture din ako na hawak hawak ng bawat guard sa ospital sa kahit na saang entrance neto. Noong una ay sinamahan ako ni nanay pero kalaunan ay hinayaan niya na ako.

Umalis narin sila ni tatay ng mansiyon. Pinilit ni nanay na may pagkakakitaan. Pumupunta parin ako ng ospital kahit sa labas lang ako.Nagbabakasakali na may mapagtanungan ako kong kamusta na si andress. Kong may malay na ba siya. Malaki na ang tiyan ko. Dalawang buwan nalang ay manganganak na ako.

Isang umaga kahit hirap na hirap ay pinilit kong bumangon. Kahit naduduwal ay pinilit kong kumaen. Pumunta parin ako ng ospital.

Si tatay ay namamasada at si nanay ay naglalabendara. Wala ako halos maitulong sa kanila. Sarado ang isip ko. Ang sakit na nararamdaman at ang pag-asang masilayan si andress ang pumipilit sa akin na ituloy ang buhay. Idagdag pa ang batang nasa aking sinapupunan.

"kuya. Kuya" tawag ko sa isang nurse na papasok pa lamang. Huminto siya at nagtataka akong nilingon.

"ayos ka lang ate. Namumutla kayo" hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Kinabukasan rin ay sumakit ang tiyan ko at pumutok ang panubigan ko. Hirap na hirap ako. Halos maubos ang lakas ko maitawid lang at mailabas ang baby ko.

Ang unang iyak niya ay nakapagpaiyak sa akin at nagbigay ng lakas. Unang beses na kinarga ko siya. Pinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat mabigyan lang ng magandang buhay ang aking anak. Unang beses na nakita ko siyang tumawa ay umaliwalas ang mundo ko. Pinilit ko ang aking sarili na magiging matatag ako.

Clark ang pangalan ng nurse. Siya ang tumulong sa akin. Hanggang sa umalis si andress ay hindi ko na siya nakita. Tapos isang gabing wala akong magawa ay binuksan ko ang t.v at nagulat ako sa aking nasilayan. Lumakas ang kabog ng aking puso. Pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikita sa kanya ay muli kong nasilayan ang kanyang napakagwapong mukha. Sa isang GALA kong saan ininterview siya at ang date niya.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon