Chapter 16

3.7K 71 0
                                    

SIXTEEN

Present Day

Clark

"ma,gising kana po" dumilat ako at ngumitikay tony. Hindi na pala ako nakapagpalit ng damit at nakapag hapunan. Nakatulugan ko ang pag-iyak kahapon. Naampat ang luha at dumikit eto sa aking pisngi. Maga din ang aking mga mata.

Binalikan ko ang ala-ala namin ni andress. Napangiti ako. Those memories I cherished the most.

"ma kumaen kana daw. Bilisan mo. Kanina pa nagriring ang celfone mo"

"halika tony. Pakiss" sinamaan ako ng tingin ng anak ko.

"tumayo kana po jan ma. Inaantay ka ni ninong Clark" mas lumawak ang ngiti ko.

"talaga? Dumating na siya?"

Inikutan ako ng mata ng anak ko.

"kasama niya ang girlfriend niya mama. Wala kanang pag-asa kay ninong" napangisi ako.

Naghilamos ako at sepilyo bago lumabas ng aking kwarto.

Maliit lang ang bahay namin. Eto ang unang-una kong siniguradong magkaroon kame noong nagsisimula pa lamang ako. I wanted to give my parents a proper home. Isang tahanang hindi kame nagkaroon kahit kelan. Palage lang kameng nakikitira sa mga kamag-anak. Noon ay nakitira lang din ako sa tiyahin ko na pinsan ng tatay. Mabuti nga at kahit ganoon ay mabait kahit papaano ang tiyahin ko na yun.

Buying a house is the most overwhelming and fulfilling duty I have in all through out the years. Makita ko lang na masaya at kuntento sa buhay ang mga magulang ko ay masaya na ako. Sa dami ba naman ng naging kasalanan ko sa kanila noon.

Nabungaran ko ang isang petite na babae. Halos nakangiti siya habang kinukwentuhan ng madaldal kong anak. Tawang-tawa siya sa pinagsasabi ni tony.

"tapos tita claire alam mo ba ang mama ko. Nilalandi niya lage si ninong pero hindi siya pinapatulan ni ninong. Saka friends lang daw talaga sila. Bestfriends daw po. Diba po kapag magkasama ang girl at boy hindi pwedeng friends lang sila. Narinig ko po yan kay aling sita-"

"hoy Anthony, mga pinagkekwento mo. Benenta mo na ba ako sa gf ng ninong mo?"

"hindi ma. Saka alam ko naman na ayaw mo kay ninong e. Gusto ko si tita claire para kay ninong" napangiti ako

"hi, ako nga pala si penny" inabot ko ang kamay ko kay claire. Bigla siyang tumayo at beneso ako. Nilakihan ko ng mata si clark na nakangiti. Ang laki ng ngiti ng bakla.

"ahuy! Inlab si clarky boy" tumawa si nanay na kakapasok lang. Nilapag niya ang kape na dala niya at tinapay na may kasamang pancit. Paborito ni clark.

"ay ngayon ko lang nakitang ganyan ngumiti si clark anak. Pagbigyan mo na"

"so, buntis ka na ba claire?"

"pen-" pinandilatan ako ni clark. Ngumisi ako.

"joke lang. Dahil pinakilala ka niya sa akin. Ibig sabihin seryoso siya sayo. Alam mo kasi claire. Maraming nagseselos sa akin dahil sa closeness ko kay clark. Eto didiretsuhin na kita. We kissed-" naubo si claire at palipat lipat ang tingin sa amin ni clark.

Natatawa ako.

"we kissed. Dikit labi lang. Just to confirm kong my spark ba talaga kame. Pero wala talaga" si clark na ang nagtapos. Nagpeace sign ako sa kanya ng pandilatan niya ako.

"walanjo. Binata kana clarky boy. Kinabahan ka no?" nginitian ko si claire na nakahinga yata ng maluwang.

"kelan ka pa dumating?" sa Canada na naka base si clark. Siya yung nurse noon na tumulong sa akin at nagbibigay ng impormasyon tungkol kay andress.

"Last week. May one month ako para makasama kita. Gusto sana namin ni claire na ikaw ang mag-asikaso ng kasal namin civil lang muna?" dahil nagulat ay nawala ang ngiti sa labi ko.

Inakbayan ni clark si claire. Tinaasan niya ako ng kilay

"I know what you're thinking pen. Please. Just this once. Palampasin mo na muna yung mga paniniwala mo. I love her alright. I want her to be the mother of my children" napabuntunghinga ako.

As much as I want to nag him about marriage and the more important details it incloses ay ayaw ko namang masira ang kaligayang nakabalatay sa mukha ni clark. Tumango nalang ako.

Inabot ko ang kape ko at uminom.

"oo nga pala. I called lala and ana. Let's meet later at lala's"

-

Nandoon na sa lala's si ana. Kasabay kong dumating si clark at claire.

"nasan si lala?" lala's is lalaine's name. Pangarap niya talagang magkaroon ng resto dati pa. She married Pluto Sandejas. Nagulat nalang ako ng malaman kong nagpakasal siya noong hindi sinadyang magkita kame pagkatapos ng mahigit isang taon kong hindi pagkikita sa kanya.

"nasa VVIP yata" nagkibit balikat si ana. Hinayaan ko na at umupo ako katabi ng bitchesa. Hindi parin nagbabago ang boss kong si anastasia sulivan. Ugaling maldita pa rin.

Kinakabahan si claire. Kitang-kita kong paano siya umiiwas ng tingin sa mapanuring tingin ni ana. I can't blame her. Anastasia is really intimidating. If not for clark I would surely leave lala's. Wala ako sa mood ngayon. Saka day off ko which makes me want to curl into my bed and be lazy all day.

"siya ba ang pakakasalan mo clarky boy" napakamot sa ulo si clark. Umiling ako at pinipigilang matawa.

"hey bitches" dumating narin sa wakas ang buntis na si lala. Halos taon taon yata tong binubuntis ni Pluto. Lala has a five year old daughter and a three year old son plus ngayon buntis ulit siya. Kaedad ni anthony ang panganay ng best friend ko. So that makes her malandi na noong college pa lang kame kaya lage siya nawawala noon.

"bilib talaga ako kay Pluto. Ilang months na yang tiyan mo?" ngumiti si lala sa akin. Her aura is lively and less stress. Parang ang ganda niya ngayon. Maaliwalas ang kanyang mukha.

"uhm. Three months. Maliit lang ako magbuntis. Nakakagulat papaano mo alam na buntis ako pen. Sasabihin ko palang sana sa inyo ngayon. I'm so busy mabuti at tumawag to si clark for table reservation"

"duh' she's been there done-"

Sinamaan ko ng tingin si ana. Lala has no knowledge about my pregnancy. She doesn't know. Not that I didn't tell her. Things got complicated.

"ano yun ana?" curious eyes bore into me and ana. Umiling si ana. Sumipsip sa wine glass. Pati ako ay napasipsip narin.

Ana, clark and my parents knows that I was pregnant back then.

"don't mind us la. Umupo ka nga. Kanina pa kita nakikitang palakad lakad" utos ni ana na walang makakabali.

Pagkaupo niya ay tinignan niya ang babaeng katabi ni clark.

"OMG. Who is she?" kulang nalang mabitawan ko ang basong hawak ko sa tili ni lala.

"she's claire. Fiancee' ni clark" suminghap siya. Nagtinginan tuloy kame ni ana. Anong problema niya?

"I-I thought, he is pen's boyfriend?" natawa ako at napailing. Umirap naman si ana.

"Akala mo lang yun. Maraming namamatay sa maling akala lalaine" kondena ni ana

"dapat you asked me la. Clark's my bestfriend. Guy Bestfriend" umiling iling si lala at puno ng guilt na tumitig sa sa akin.

"ohmygad. Ohmaygad talaga. May bad. I'm sorry pen. Sorry" Natatawa akong tumayo. Nilapitan ko si lala at niyakap.

"Ayos lang la. Nu ka ba!"

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon