Chapter 28

3.8K 65 0
                                    

Naging busy ako ng mga sumunod na araw. Inasikaso ko ang kasal ni andress. Kahit hirap at nasasaktan ay pinagpautloy ko ang sinimulan ko.

Si ana ang may kasalanan kong bakit nagmumukha akong zombie bawat araw. Halos namamanhid ako. Hindi parin maabsorb ng utak ko na ikakasal na nga si andress.

Siya ang halos laman ng mga newspaper at TV news program at entertainments.

Tuwing gabi bago matulog ay palageng tumutulo ang aking luha. Punong-puno ng hinagpis ang aking puso.

Tama naman si andress. Kong hindi niya ginawa ang pagkaladkad sa akin. Kong hindi kame naaksidente ay iiwanan ko siya. Hinding-hindi niya malalaman na may anak kame. Sa totoo lang hindi ko rin alam kong sa paglipas ba ng taon ay masasabi ko kay andress na nagkaanak nga kame.

Kong ibabalik ko ang araw at ang oras ay walang pagkakaiba ang nararanasan ko ngayon sa sakit na nararanasan ko noong nasa ospital kame at ginagamot siya ng mga doctor.

Pero bakit sobrang sakit na ng puso ko. Sobrang hapdi na ng mata ko kakaiyak bawat gabi kapag pahiga na ako sa aking kama.

"pen, anak, gising ka pa ba?"

Pinahid ko ang aking luha at inayos ang aking sarili.

Isa eto sa mga gabing ayaw na ayaw kong makaramdam ng lungkot at sakit. Kong pwede lang huwag ng gumabi ay mas ok para sa akin.

At least kahit papaano napupunta ang isip ko sa mga gawain sa opisina. Kahit pagod ay hindi ko maiisip ang mga bagay bagay na nagpapagulo sa isip ko at nagdadagdag ng sakit sa puso ko.

Binuksan ko ang pinto. Nakangiti si nanay habang may dala siyang cake na nakasindi. Nasa likod niya si tatay at si Anthony

"happy birthday, mama ko" suminghap ako. Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko. Nandito ang mga taong mahal na mahal ako. Hindi ko na dapat iniisip ang sakit. Hindi ko na dapat iniisip si andress. Hindi na dapat ako umasa.

Dapat mag focus nalang ako kay nanay, tatay at kay Anthony. Alam kong higit kaninuman. Sila ang walang pagdadalawang isip na tatanggapin ako at hinding-hindi ako sasaktan. Alam ko rin na poprotektahan nila ako sa abot ng kanilang makakaya.

"happy birthday, anak. Sa sobrang busy mo. Nakalimutan mo yata na birthday mo" nagtatampo pa si nanay.

Pinahid ko ang umalpas na luha at ngumiti kay nanay, tatay, at Anthony.

"mahal na mahal ko kayo, nay, tay at tony" sobrang thankful ako sa pagkakaroon ng mapag-unawang mga magulang.

"si mama nagdadrama. Tara na. Kainin na naten ang cake mo mama"

Nagtawanan ang nanay at tatay. Napangiti ako sa kakulitan ni Anthony.

"abay, kanina pa gustong-gusto lantakan ering cake mo. Sabi ko mag blow the candle ka muna. Ikaw ba pen, nag wish na?" si tatay na mas nakakapagpangiti sa akin.

"ginawa mo akong bata tay"

"abay walang masama kong mangangarap. Habang may buhay, may pag-asa anak. Wag tayong mawalan ng tiwala na makakamit naten ang matagal na minimithi ng ating puso." kumindat pa si tatay

I couldn't ask for more.

I love my family so much. Maybe someday I would learn to let go. Alam kong meron ding dadating na lalaki na magmamahal sa akin at mamahalin si Anthony. I'll wait for it. Sa ngayon ay magfofocus muna ako sa pamilya ko.

-

Kinabukasan ay magaan ang katawan kong bumangon at nag-asikaso ng mga dadalhin.

Napagpasyahan ng pamilya na magbeach. Kagabi habang kumakaen ng cake ay nagrequest si tony na maligo ng dagat.

Pumayag si ana na hiramin ko ang kanyang fortuner. Syempre dahil kasama siya at alam niyang birthday ko.

Treat niya na daw ang sasakyan. Pati beach ay nagpabook na siya.

Sa batangas ang aming destinasyon.

Paglabas ng kwarto ay ready'ng ready na ang nanay at tatay. Naka dress pa si nanay na pang summer at sombrero plus shade. Kapartner naman ni tatay ang suot ni nanay. Naka havaianas pa talaga silang dalawa.

I can't help but smile. Bumabagets ang mga magulang ko.

Si tony ay naka shorts at sando na pinatungan ng polo. Naka tsinelas. Yung shade ay nasa taas ng kanyang ulo.

Hindi naman sila excited magswimming ano?

"ma bat ganyan ang suot mo?" napakamot ako sa aking ulo.

Duh! Malay ko bang ready na pala ang gamit nila. Sila na ang nagkaisa na magswimming. Kagabi ko lang din nalaman ang balak. Jusko. Napressure ako sa pagsagot ng OO!

"pen, yuhooo" sigaw ni ana. Nagmadali sa pagdala ng luggage bag ang nanay at tatay. Si tony ay naka back pack narin.

Hindi ko talagang mapigil ang tumawa. Ako lang ang gahol sa oras na nag asikaso ng gamit na dadalhin.

Nakaluto na si nanay ng pagkaen namin. Madaling araw pa lang ay nagtulong na sila ni tatay.

Hindi kasi kame lageng nakakaalis. Kaya siguro sobra sobrang excited nila sa gagawin naming outing ngayong araw.

Two days ang reservation na kinuha ni ana.

Paglabas ko ng bahay ay nakangiting malawak si ana. Tinuro niya ang kabilang sasakyan.

Kumunot ang noo ko.

Andress is wearing the same clothes as Anthony. Ganoon din ang batang kausap na ngayon ni tony. Si Stephen.

What is he doing here?

"ma inimbita ko pala si daddy at Stephen. Dito na po ako sasabay sa kanila ha" ni hindi inantay ni tony na umoo ako. Nauna pa siyang sumampa sa sasakyan ni andress kasunod si Stephen na nginitian ako ng malawak. And boy! He just winked at me.

Nakasimangot na ako. Birthday ko pero sa tatay niya naman sumama ang anak ko.

Sinamaan ko ng tingin si andress na tinaasan lang ako ng kilay.

"hey, love, aren't we going already?" lumabas ang isang pagkaputi puting babae sa front seat ng sasakyan ni andress.

Mas lalong sumama ang mukha ko. Pinandilatan ko si andress. Ni hindi niya alintana na kanina pa siya nakatitig sa akin.

Ang mokong. Ikakasal na. Nambababae pa. sarap tirisin.

Nagmartsa ako papasok sa sasakyan ni ana.

"okay lang yan pen. Hindi naman masamang magselos" ngumuso ako

"hindi ako nagseselos." Inis na inis ako.

"duh. Deny pa more" asar ni nanay na nakaupo na pala sa likod ng sasakyan.

"oo nga anak. Walang masamang magselos" segunda ni tatay. Jusko sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa.

Idagdag pa ang mapang-asar na tingin ni ana.

"magdrive ka na nga!"

"doon ka kaya sa sasakyan ni andress. Hilahin mo ang babae at palabasin para kunwari happy family kayo." 

Humagikhik si nanay. I snorted. Sinamaan ko si ana ng tingin. Birthday na birthday ko iniinis nila ako. Kainis!

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon