Chapter 32

3.9K 55 1
                                    

THIRTY-TWO

"saan ba kasi tayo pupunta?"

"stop asking questions babe"

I am still sulking. Pero nong pinagbihis ako ni andress at sinabihan niya si nanay na tulungan akong maghanap ng susuotin dahil may pupuntahan daw kami ay nauna pa si nanay pumasok sa kwarto ko at parang kiti kiti na di maihi. Kinalat pa ang mga damit ko na para bang siya ang aalis.

"First date ninyo eto pagkatapos ng limang taon. Hindi ka ba eksayted anak." Parang tanga si nanay na mas excited pa kesa saken.

Pina ligo niya ako. Inayos ang buhok ko at nilagyan ng make-up ang mukha ko. Kayang-kaya ko namang gawin pero si nanay tinatampal ang kamay ko. Mas excited pa talaga siya kesa sa akin.

"anak. Sa wakas. Natupad na ang matagal ko ng hinihiling. Ang maedate ka ni sir andress" umikot ang eye balls ko. Paulit-ulit ang nanay. Gusto ko sanang ipasok sa kokote niya na ikakasal na si andress. Siya pa nga ang nagsabi sa akin nun na huwag ng umasa. Malungkot at nag-aalala pa nga siya nun tapos ngayon excited na excited siya. I am not a homewrecker nanay!

Pagkatapos kong magbihis ng above the knee black dress ay pinasuot sa akin ni nanay ang putting doll shoes na nabili niya pa sa SO FAB. Ang yabang pa enemphasize pa ang brand ng sapatos.

Pinasadahan ni andress ang damit na suot ko. Umirap ako at nauna ng lumabas ng bahay.

Hindi ko pinahahalatang kinakabahan ako sa gagawin namin. May excitement din naman akong nakapa sa aking puso. I know I shouldn't feel this but what can I do. My heart beats faster. It flatters me knowing that for the first time magdedate nga kame ni andress. First date after five years.

Limang taon ko rin etong pinangarap. Ang maedate niyang muli. I should feel guilty because he was soon to be married yet wala akong makapang pagsisisi. Masaya ako. Masaya ang puso ko. Pero dahil dalagang pilipina at inis parin ako sa kanya dapat chill lang ako.

Tumigil ang kotse sa parking ng isang mall.

Pinagbukas ako ni andress ng pintuan ng kotse.

Pagpasok pa lamang namin sa mall ay halos hindi na nilulubayan ng tingin ng bawat tao si andress. Pati ako na kasama niya ay nadadamay.

Mabuti nga at tingin lang. Yung iba ay dinadaplisan lang kame ng tingin at tuloy tuloy ng maglakad kong saan man patungo.

Yung iba ay chismosa masyado. Rinig ko pang bulong ng isa na ang gwapo daw masyado ng lalaki tapos ako ay di naman daw kagandahan.

Imbes na mainis ay benalewala ko nalang.

Pumasok kame sa isang mamahaling restaurant. Nang tignan ko ang menung binigay ng waiter ay tubig lang ang inorder ko.

Gusto ko sana yung pinaka mahal kaso hindi ko maintindihan yung sulat sa menu.

"ikaw na mag order saken" tumaas ang sulok ng labi ni andress. May nakaambang ngiti. Pagkabalik niya sa waiter ng menu at pagkaorder ay tinitigan niya na ako.

Kahit saan ako tumingin at kahit sinasamaan ko na siya ng tingin ay hindi niya talaga inaalis ang tingin niya sa akin. Lumunok ako bago sinalubong ang titig niya

"malapit na akong matunaw" pinandilatan ko si andress na ikinatawa niya. Kumindat pa siya saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

"can't help it. Ang ganda mo babes" nag-init ang tenga ko sa sinabi niya sabay kagat labi. Hayuff. Heart, hinay hinay lang sa lakas ng pagtibok. Chill lang tayo. Chill. Tumikhim ako.

"aw, ngayon mo lang alam?" Diba kaya ka nga baliw na baliw saken dahil sa ganda at alindog ko? Ang yabang penelope!

"nah. I like staring at your face. It makes my heart beats fast." at mas lalong nagrigodon ang puso ko sa matatamis na salita ni andress idagdag pa kong paano niya ako titigan. Para bang ako ang pinakamagandang babae sa balat ng sangkalupaan.

"marunong kana rin pala ngayong mambola?" he put his hands on his chin.

"I don't tell women they're pretty. I just can't help telling it to you. And did you forget babe, i don't make bola." Kulang nalang sabihin ni andress na nakuha niya nga ako noon kahit walang matatamis na salita. Titig pa lang niya nanlalambot na ang tuhod ko pati nalulusaw puso ko. Hayuf talaga!

"so parang sinabi mo narin na iba ako sa kanila?" Sa mga babae mo?

"of course babe. You're my sons mother. You're always be different from all the girls I've dated." Madamdaming sabi ni andress.

Nagtitigan kame. I don't know what's into me but when I stare on his eyes its as if I was drowned into him.

His nose is perfect. The same feautures long ago. Mas lumakas lang ang appeal niya ngayon lalo at nag mature siya.

Hanggang sa dumating ang pagkaen namin ay saka lang naputol ang aming titigan.

Pagkatapos kumaen ay umakyat kame sa fourth floor ng mall kong nasaan ang sinehan. He already bought two tickets. Pinaghandaan niya talaga etong date namin. Pumasok kame sa madilim na sinehan. Walang taong umuukupa.

"did you rent the whole place?" iginiya niya ako sa taas sa pangalawang hanay ng upuan.

"yeah. I don't like sharing. And i want to be with you. Just the two of us."

Bitbit ang popcorn at inumin ay nagsimula akong sumubo kasabay ng pagsisimula ng pelikulang aming panonoorin.

"maze runner? Seriously?"

He chuckled

"I like to watch it"

"sana pitch perfect 3 nalang" bulong ko. Napanood ko na yan e.

Tuloy tuloy ang movie. Hanggang sa mag enjoy na akong panoorin eto ulit. Subo parin ako ng subo ng popcorn. Ramdam ko ang pabalik-balik ng tingin sa akin ni andress na hinahayaan ko lang.

He sigh at umayos siya ng upo.

"stop eating"

Tinignan ko siya at inabot sa kanya ang pagkaen

"gusto mo?"

"I want to hold your hand" nilagay ko sa gilid ng upuan ko ang popcorn. Pinagsalikop ko sa kandungan ko ang aking kamay

And andress held may hand. Squeeze it. Nag-init ang mukha ko pati sulok ng mata ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko.

"there. Much better babe" he whispered behind my ear. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin pabalik sa screen ng sinehan ng may matamis na ngiti sa aking labi.

He put his hand on my waist and his other hand was holding mine. Tapos naging kuntento kameng pinanuod ang pelikula. Siya na halos yakap yakap ako habang ang baba ay nasa aking balikat at ako na nakangiti na habang pinapakiramdaman ang tibok ng aking puso.

The moment was too perfect for my heart was at ease and my mind was calm.

Ah andress. You are always my home. My home.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon