Chapter 38

4.1K 61 0
                                    

THIRTY-EIGHT

"wala ka ba talagang balak umuwi anak?" napahinga ako ng malalim at patuloy na nilantakan ang saging na may peanut butter.

Takam na takam ako sa kinakaen ko. Feeling ko hindi ako mabubusog kapag sampu lang ang kinaen ko.

"pen-"

"nay, paulit-ulit kayo. Nanjan lang sa kabilang kanto ang bahay naten. Kong gusto niyo. Kayo ang umuwi. Bat niyo ba ako sinasama. Kita niyong maayos ang lagay ko dito" naiinis na ako kay nanay

"diyaskeng bata! Aba't kong hindi ka lang malaki na. Kanina pa kita pinadapa Penelope. AKo'y naiinis na sa pagtatago mo. Namumutla ka. Hindi ka lumalabas dito sa bahay na pinagtataguan mo at magpainit man lang"

"hala siya! May nagtatago bang lumalabas nanay. Tinatamad akong lumabas. Nahihilo ako lage eii. Hayaan niyo nay at malapit ng matapos ang magmemeditate ko-"

"aroy. Mediteyt mediteyt. Aba'y yung tatay mo. Naaawa na kay sir andress. Dalawang buwan mahigit ka nang hindi nagpapakita doon sa tao. Kong hindi lang kame nangako sayo. Isususplong na kita doon sa tao"

Tumawa si pen

"nay. Anong isusuplong ka jan"

"basta umayos ka. Kausapin mo si sir andress. Hindi matatapos ang problema kong hindi nag-uusap. Ikaw pa. Alam kong sumisilip ka din kapag dumadating na ang kotse ni sir andress. Disin nga lang at hindi alam noong tao kong saan ka talaga nagtatago. Aba't sa malayo naghahanap. Nag-utos pa ng maghahanap sa iyo. Kamangmang na tao"

Nailing si pen. Haay.

Magpapakita naman talaga siya kay andress ei. Kaso nawalan siya ng lakas ng loob. Kaya nga nag-ipon muna siya dahil wala siyang makapang lakas ng loob para makausap yung tao

Natatakot siya.

At hindi niya alam kong saan nanggagaling yung takot na nananahan sa puso niya

Takot na harapin ang galit ni andress sa pagtatago niya? O takot nab aka siya ang pillin ni andress at pakasalan? Dapat nga maging masaya siya kasi hindi natuloy ang kasal ni andress. Pero yung puso niya ay patuloy lamang sa malakas na pagkabog. Magulo. Mabilis.

Idagdag pa ang palagiang pagsama ng pakiramdam niya netong mga nagdaang tatlong araw.

Saka magulo talag ang isip niya. Gusto niyang makita si andress. Mayakap eto. Kaso minsan ay ayaw niya rin etong makita at niinis siya.

Ewan niya.

"ate pen. Eto na ang ginataan na pinapaluto mo" nginitian niya si charlotte at nilantakan agad ang pagkaen na dala neto

Pumangalumbaba ang dalaga sa kanya

"ate pen. Tingin ko mataba yang baby sa tiyan mo. Ang takaw takaw mo. Halos lahat ng luto ni nanay ikaw lang ang kumakaen. Ayaw naman kainin ni kuya yung mga tira mo kapag meron. Ayaw niya daw antukin. Tapos halos ayaw narin ni kuya umuwi. Paano palagi kang nakayakap sa kanya. Ate huwag mo naman paglihian ang kuya ko. My gosh. Bakla yun eii. Bakla. Baka maging bakla rin ang anak mo. Ate pen. Ako nalang paglihian mo.

Hindi ko pinansin si charlotte at tuloy tuloy ako sa kinakaen ko. Ang sarap talaga ng ginataan.

Pagkatapos kong manggaling ng zambales dalawang buwan ang nakakaraan ay nagpaalam ako kila nanay at tatay na kila charlotte muna ako mag-iistay. Nagtataka naman ang dalawang matanda. Pero hindi na nagtanong.

Sa isip ng dalawa ay baka may dinadalang mabigat na problema ang anak. Hayaan na at jan lang naman sa kabilang kanto ang bahay nila charlotte at alam naman ng mag-asawa na maayos ang magiging lagay ni Penelope.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon