Chapter 8

3.9K 62 0
                                    

EIGHT

Haplos

Sabado

Tinulungan ko si nanay maglaba ng kurtina. Mamaya ko na lilinisan ang kwarto ng senyorito. Kinakabahan kasi ako kapag nasa malapit siya. Hindi maintindihan kong bakit mas malakas ang kabog ng puso ko ngayon.

"nay sa tingin niyo po, pwedeng mahalin ng isang mayamang lalaki ang isang mahirap na babae?"

Nagtataka akong tinignan ni nanay

"ano ba yang mga pinagtatanong mo? May nagugustuhan ka ba sa school niyo? Sinasabi ko sayo Penelope. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Iyan lamang ang natatanging pamanang maibibigay namin sa iyo ng iyong tatay"

Napabuntunghininga na lang ako.

Pagkatapos kong tulungan si nanay ay kinuha ko na ang pampunas at ang vacuum.

Ako lang kasi ang pwedeng maglinis ng kwarto ng senyorito sa kagustuhan narin niya. Hindi siya nagpapapasok ng ibang tao sa kwarto niya unless lang kong mga babae niya eto. He needs to satisfy his needs.

Ngayong linggong eto ay hindi siya nagdala ng babae na nakakagulat sa akin. Higit sa lahat kay manang berta na kahit matanda na ay napapa sign of the cross palage kapag nakikita si sir andress bitbit ang panibago niyang flavor of the month.

Huminga ako ng malalim. Kinatok ko ang pinto ni sir andress. Mga bente minuto ay wala paring sumasagot. Pinihit ko ang seradura. Bukas eto kaya pumasok na ako.

Hindi ko alam kong nasan naroon ang senyorito. Hindi rin naman ako matanong na tao kaya hayaan ko nalang.

Nagsalubong ang kilay ko sa sobrang kalat ng kanyang kwarto.

Nagkalat ang damit, pantalon, shorts at briefs niya. May nakalaan naman sanang lagayan ng maruruming damit pero sa kasamaang palad ay ni hindi yata marunong umintindi ang senyorito. Pinaghahalo ang malilinis at madudumi.

Nakakaasar talaga!

"Matanda na pero hindi marunong maglinis" bulong ko sa sarili.Binuksan ko ang bintana ng kwarto ng senyorito.

Sinimulan ko ilagay ang nakakalat na gamit sa basket tray na nasa gilid. Ako rin naman ang maglalaba neto eii. Kasi hindi nasabay ni nanay kanina.

Makalat din ang mga Cd's at magazine na nasa estante. Hindi talaga maipagkakailang lalaki si senyorito. Makalat talaga siya masyado.

Inayos ko ang magazine at binalik sa rack pati ang Cd's. Hindi ko na tinignan dahil alam ko naman kong anu yun. Puro X-rated, porns. Masakit sa mata. Nasanay nalang ako kaya hindi ko na tinitignan. Nililigpit ko na lamang.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon